06/01/2026
Magiging HOT pa rin sa taong 2026 ang MOM Chili Garlic 🌶️🔥
Hindi man madalas makapag-upload ng mga pa-orders dito sa FB, ito AKO tahimik sa pagbabalot at pagpapadala para sa mga suki sa Luzon, Visayas, at Mindanao😊
Salamat, Lord, sa taong 2025. Bagama’t hindi pa kasing laki ng kita katulad sa iba, sapat na ang biyaya at nadagdagan ang mga nagkakagustong magbenta🥰🫶
Ngayong 2026, hindi man naghahangad ng mas marami...basta sapat, kaya ng lakas sa pagluluto💪, at ayon sa Iyong kalooban, Panginoon. 🙏❤️
Patuloy na maglilingkod at taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nagtitiwala at paulit-ulit na umoorder🥰😇😊♥️🫶
Salamat po Lord😇🥰