11/05/2025
Daming patarpaulin ni mayor ng mga proyekto kung saan nakabalandra ang mukha niya, akala mo naman pera niya ginamit. 😬
Daming mga enggrandeng proyekto pero hindi matapus-tapos at hindi naman napapakinabangan nang husto. Ang masama pa rito, nakaabala pa kayo sa maraming tao tulad ng kung paano niyo pinaalis ang vendors at toda para sa Theatro, at kung paano niyo pinalala ang baha sanmga bayang malapit sa Laguna de Bay dahil tinambakan niyo ang daluyan ng tubig.
Look, I'm not saying that these projects are bad. Pero kung magsisimula kasi kayo ng proyekto, dapat pinag-aaralang mabuti na walang magiging negative effect sa ibang tao.
Ganyan kasi kapag kitang-kita na huli sa priority mo ang makapaghatid talaga ng serbisyo sa mga mamamayan ng bayang pinamumunuan mo, at ang first priority mo ay ang kumita ng pera.
Imbes na itanong "anong magagawa nito para sa mga Biñanense" and una mong itatanong ay "magkano ang porsyento ko dyan?"
~
Maganda nga tingnan ang Biñan sa pictures, nakakatanggap ng awards, k.. pero sa likod ng mga palamuting yan ay mamamayang nagugutom, nagkakasakit, at nagdurusa. Mga mamamayang pilit niyong pinatatahimik at binibigyan ng barya-barya niyo tuwing eleksyon. Bakit? Hindi sila bagay sa "aesthetic" at sosyal na Biñan na ipinipilit mo sa social media at press? Hindi ba sila parte ng pag-unlad na sinusulong niyo?
👏 Walang kwenta 👏 ang pag-unlad 👏 kung marami namang napag-iiwanan. Hindi totoong pag-unlad yun. Panakip-butas lang yun sa bulok at kasulasula*ok na katotohanan.