
20/08/2025
Habang ikaw ay nagtitiis sa kagipitan at nabubuhay sa kakulangan, meron namang mga makabayan kuno na walang habas magnakaw at nagpapakasasa sa pera na galing sa hirap mo! Pwe! Yuck kayo!
'MINA-MASSACRE NG MGA KAWATAN ANG PONDO NG BAYAN'
Sa kanyang privilege speech sa plenary session ngayong Miyerkules, ibinunyag ni Senator Ping Lacson ang kalakaran ng mga contractor at kasabwat sa gobyerno sa maanomalyang flood control projects.
"Corruption has been so pervasive and systemic that doing so is like a piece of cake," ani Lacson.
Batay sa impormasyon na kanyang nakalap, 8-10 percent ng budget ang napupunta sa district engineer, 2-3 percent na "reseta" o kickback para sa DPWH-District Engineering Office, 5-6 percent para sa mga miyembro ng Bids and Awards Committee, 0.5-1 percent para sa Commission on Audit, 5-6 percent "royalty" o "lagay" para sa politikong may kontrol sa distrito kung saan itatayo ang proyekto, at 20-25 percent para sa funder o politikong naghanap ng pondo para rito.
Binigyang diin ni Lacson na 40 percent na lamang ng kabuuang budget ang nailalaan mismo sa flood control projects kung ganoon kalaki ang nakukurakot sa pondo.
Aniya, ang lalawigan ng Bulacan ang pinaka-notorious pagdating sa anomalya ng flood control projects. Napag-alaman na may 28 na proyekto sa Bulacan ang may kahina-hinalang "distinct amount" na P72 million.
PANOORIN: https://www.youtube.com/watch?v=Vp6ci-MuQmQ