19/11/2024
My advice sa mga newbie riders like me:
- Please take time na aralin ang COUNTER STEERING. Believe me or not, it's necessary na alam mo ito para iwas overshoot at less chance na maaksidente.
- Iwasan ang TARGET FIXATION. Dadalhin ka ng motor mo kung saan ka nakatingin. Kung sa tanawin ka nakatingin habang nagmamaneho ay possible dun ka din dalhin ng motor mo 😅
- Be extra careful pag oovertake sa kanan ng mga PUV dahil dun ang liko nila kapag kukuha ng pasahero. Lalo na sa tricycle, ayaw naman natin igeneralized pero talagang lumiliko sila ng walang lingon-lingon.
- Use mainly your front brake. Lalo na kung may ABS. 70% front, 30% rear. Don't go hard sa rear brake, it may cause low or high side. O yung bigla nalang tumutumba ng hindi mo alam kung bakit.
- Don't do full brake kapag naka turn ang manubela (Except in emergency situations). Kahit na mabagal pa ang takbo mo. As a beginner, it may cause you na ma-out of balance.
-Always bring tire inflator and emergency tire kit. It's better to be ready than sorry.
-Always bring your raincoat. Hassle kung hihintayin mo pang humina ang ulan bago ka pa bumyahe ulit. Ehh paano kung Oras pa ang abutin bago humina. Lalo na sa long ride.
- Change your engine oil and gear oil regularly. Wag mag palipas at baka mas mahal pa sa langis ang gastosin mo.
- invest on safety gears.
- magingat sa mga dahon, buhangin, graba, at basa sa daan.
RS mga Kadeserve 🤙🛵