27/07/2025
Hello po, I'm 32 years old, babae. May boyfriend po ako noon, pero ex ko na siya ngayon. Halos 10 years kaming magkasama at nag-live in kami ng 5 years. Seafarer siya, at ako naman ay OFW land-based job. Noong April 2022, nagpaalam siya na uuwi na dahil end of contract na daw. Ako, hindi pa makakauwi noon. Sabi ko sa kanya, bumisita siya sa bahay namin kahit wala ako.
Doon nagsimula ang delubyo sa relasyon namin. Halos 64 hours ko na siyang hindi makontak simula pumupunta siya sa bahay namin. Lahat ng effort ako na ang gumagawa para magkausap kami. Ang dami nang nagsasabi sa akin na may nakikita raw silang babae na laging kasama niya, lalo na tuwing madaling araw. Mahal na mahal ko siya kaya di ako agad naniwala. Hanggang may nagsabi sa akin na kapatid ko daw ang laging kasama niya.
Kinabahan ako. Nang kinompronta ko siya, umamin siya. Hindi lang isang beses kundi paulit-ulit daw silang nagtalik ng kapatid ko sa loob ng tatlong buwan bago ko pa nalaman. Sobrang sakit. Muntik na akong mawalan ng pag-asa habang nasa ibang bansa. Pero pinilit kong maging matatag. Tinanggap ko siya ulit at pinatawad.
Pag-uwi ko sa Pilipinas, nagsama kami muli at plano na naming magpakasal. Pero tuwing nakikita ko ang kapatid ko, bumabalik lahat. Hanggang sa isang araw, nakaganti rin ako—isang beses lang, pero nagbembangan kami ng kuya niya. Pinaalam ko ito sa kanya. Doon na siya nagalit nang sobra at nakipaghiwalay. Ang sabi ko sa kaniya namnamin mo ang ganti ko tapos sabi niya wala daw mawawala sa kaniya kahit ilang babae pa bembangin niya, pero ako nawalan daw ako ng dignidad.
Ang tanong ko lang, bakit pag lalaki ang nagloko, parang okay lang, pero pag babae ang gumanti, sinasabing nawalan ng dignidad?