19/01/2025
âHUWAG NA KAYO MAGBAYAD NG BUWIS NINYO!â
Ito ang pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko matapos ibunyag ang umanoây anomalya sa 2025 national budget. Sa âBasta Dabawenyoâ podcast na inere kagabi, ibinulgar ang natuklasang blangkong mga alokasyon sa Bicameral Conference Committee Report.
âHuwag na kayo magbayad ng buwis ninyo, ganon lang naman pinagsasayang ng mga kumag na âto,â mariing saad ni FPRRD, sabay iginiit na mali o âinvalidâ ang pagpasa ng naturang budget.
Sa nasabing podcast, ipinaliwanag na ang mga blangkong bahagi sa budget ay malinaw na paglabag sa batas. Ayon sa kanya, ang ganitong uri ng pagpapasa ng budget ay katumbas ng pagbibigay ng âblangkong tsekeâ sa gobyerno.
âItâs not only inaccurate, but I think the budget is in totality invalid. Hindi puwede mag-blanko blangko diyan sa pera ng tao,â aniya.
Ang nasabing anomalya ay unang natuklasan ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab, na nagsabing ang mga blangkong alokasyon ay lalo pang makikita sa Department of Agriculture at unprogrammed appropriations. Sa paningin ni Duterte, ang ganitong estilo ay hindi katanggap-tanggap at hindi naaayon sa umiiral na mga batas.
Hinimok ang Kongreso na magsagawa ng kaukulang aksyon upang itama ang budget na ito. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin niya ang responsibilidad ng mga mambabatas na siguruhing ang bawat sentimo ng pondo ay nailalaan nang tama at naaayon sa batas.
âPlease correct it or recall the budget and demand an explanation bakit dumating sa inyo âyan na ganun kablangko,â utos niya. Idinagdag pa niya na ang mga nasa likod ng nasabing anomalya ay nararapat lamang managot.
Direkta ring hinimok ng dating Pangulo ang taumbayan na kumilos at kondenahin ang ganitong klase ng katiwalian.