07/11/2025
"Pag-ibig sa Isla ng Talim"
Sa Isla ng Talim, ako’y nahumaling,
Hindi lang sa ganda ng araw na ningning.
Kundi sa titig mong tila bituin,
Na sa bawat silay, puso ko’y ningningin.
Sa tabing-dagat tayo’y magkasabay,
Hangin ng lawa, sadyang napakabuhay.
Ang iyong ngiti, parang alon sa umaga,
Banayad na haplos, sa puso’y ginhawa.
Ang bundok ay saksi sa ating sumpaan,
Habang ang araw dahan-dahang lulubog sa kanluran.
Ang mga isda sa lawa’y tila sumasayaw,
Kasabay ng tibok ng pusong nagmamahal nang tapat at ganap.
O Isla ng Talim, saksi ka ng aking pag-ibig,
Sa Binangonan, damdamin ko’y tahimik.
Sa bawat ulap at hangin na dumarampi,
Nando’n ang pangalan mo — aking sinta, aking aliw.