Angat Kabataan Talim Island

Angat Kabataan Talim Island Angat Kabataan Talim Island

Daming Kabayutan nitong si Paolo Dutae, Boxing na kung ano ano pang sinasabi!!!
24/07/2025

Daming Kabayutan nitong si Paolo Dutae, Boxing na kung ano ano pang sinasabi!!!

Hello Binangonan ☺️☺️☺️ Hindi lahat ng taga Binangonan na estudyante naka kotse pag pumapasok, may mga naka Tricycle, an...
17/07/2025

Hello Binangonan ☺️☺️☺️ Hindi lahat ng taga Binangonan na estudyante naka kotse pag pumapasok, may mga naka Tricycle, ang worst may mga naglalakad lalo na sa Isla ng Talim habang may mga binungkal na kalsada at ginagawang Tulay na lubhang nagpapahirap ng Transportation ng mga mag aaral

Mga Bayan sa Rizal na Walang Pasok Bukas July 18,2025 as of 8:00 pm.🥸

MDL only .

1. Morong
2.Montalban
3. Jalajala
4. Tanay
5. Teresa
6. Cardona
7. Angono
8. Pililla
9. San Mateo
10. Baras
11. Taytay

Ingat po ang lahat.

17/07/2025

Galaw-galaw Binangonan, baka kung kelan nakapasok tsaka mag cacancel, bumibiyahe pa ang mga taga Isla ng pagkaaga-aga😌😌😌

Isang natatanging pagpupugay kay Eufemia "Ate Fhem" Ditablan, haligi ng Christian Formation sa Isla ng Talim. Sa kanyang...
11/07/2025

Isang natatanging pagpupugay kay Eufemia "Ate Fhem" Ditablan, haligi ng Christian Formation sa Isla ng Talim. Sa kanyang walang sawang paglilingkod at taos-pusong malasakit, hinubog niya ang pananampalataya ng maraming kabataan at pamilya.

Si Ate Fhem ay isang huwarang lingkod ng Diyos tahimik man ang kanyang pagkilos, malalim ang kanyang naging ambag.

Isang taong tunay na dapat ipagmalaki ng Isla ng Talim. Maraming salamat, Ate Fhem. Hindi ka malilimutan.

11/07/2025

Kung kaya ninyong abutin ang malalayong lugar para sa boto, sana’y kaya n’yong silipin ang totoong kalagayan ng Isla ng Talim. Hindi kami boto lang kami ay TAO.

Board Member Papoo Cruz of Distrito Uno ng Rizal!  Young Leaders for Good Governance!!!
07/07/2025

Board Member Papoo Cruz of Distrito Uno ng Rizal! Young Leaders for Good Governance!!!

06/07/2025

TULAY ang sagot? Hindi ito patalinuhan — ito'y usaping buhay at kamatayan.

Habang kayo'y abala sa pagmamayabang ng proyekto, kami dito sa Isla ng Talim ay umaasa pa rin sa bangka para lang mailigtas ang buhay.
Anong silbi ng tulay kung wala namang ospital? Kung abutan ng trapik sa kalye, patay ang pasyente bago pa makarating sa bayan.

Hindi tulay ang kailangan — OSPITAL ang sigaw ng mamamayan!

Huwag niyo kaming gawing palamuti ng pulitika.

18/06/2025

Pinagbibintangan ang Simbahan na nagpalala ng sitwasyon ng ugali ng kabataan dahil daw ipinatupad ng Simbahan ang Human Rights, iskolar pala ng simbahan ang anak 😬😬😬

Inggrato!!!

15/06/2025

Mukhang produkto si Sir ng Fakenews!!! Nakakatakot ang kanyang mga Salita, puro walang kwenta

15/06/2025

Hindi po totoo na si Cory Aquino lang ang nagbalangkas ng Konstitusyon at naipatupad ng Simbahan!!! Baka dapat nag aaral din ng Araling Panlipunan at Pol Gov. ang ating mga lingkod😊😊😊

15/06/2025

Mga Ka Isla, basahing mabuti ang tungkol sa Human Rights para hindi maligaw ang ating isipan tungkol sa maling impormasyon

Ang Commission on Human Rights (CHR) ay isang independent constitutional office sa Pilipinas na itinatag sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution. Layunin nito na protektahan at isulong ang karapatang pantao ng bawat mamamayan, anuman ang kanilang edad, kasarian, relihiyon, o katayuan sa buhay.

Mga Pangunahing Gampanin ng CHR:

1. Imbestigahan ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, lalo na kung ito ay kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan o alagad ng batas.
2. Magsagawa ng mga public education campaigns tungkol sa karapatang pantao upang mapalawak ang kaalaman ng mga tao.
3. Magsumite ng mga rekomendasyon sa pamahalaan hinggil sa mga polisiyang may kinalaman sa karapatang pantao.
4. Makipagtulungan sa mga lokal at internasyonal na organisasyon sa pagsusulong ng karapatang pantao.
5. Magbigay ng tulong legal o teknikal sa mga biktima ng human rights violations.

Halimbawa ng mga Karapatang Ipinagtatanggol ng CHR:

* Karapatan sa buhay at kaligtasan
* Karapatan sa malayang pagpapahayag
* Karapatan sa makataong pagtrato, lalo na ng mga bilanggo
* Karapatan laban sa torture at extrajudicial killings

Mahalaga ang CHR dahil:

Ito ang bantay ng demokrasya at dignidad ng tao sa harap ng pang-aabuso ng kapangyarihan.

Nagbibigay ito ng boses sa mga marginalized at naaapi.

Address

Binangonan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angat Kabataan Talim Island posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share