28/08/2025
KAILANGANG MAGING NAKAKADIRI ANG KORUPSYON'
Ipinahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kailangang aminin ng lahat na may kasalanan sa korupsyon sa gobyerno. Sabi niya, kahit hindi tayo direktang nakatanggap ng pera, pero hinayaan natin ito mangyari. May punto siya. Dapat lang na managot tayo sa mga ganyan. Isang kayabangan lang yung mga nagpapakita ng yaman sa social media, na gusto pa nilang ipagmalaki. Sana lang talaga magising na ang mga tao at wag na hinahayaang mangyari ang mga ganyan.
Para kay Pasig City Mayor Vico Sotto, dapat pandirihan at hindi maging katanggap-tanggap ang katiwalian sa gobyerno, matapos ang maraming taon na tila nakasanayan na lang ito ng mga Pilipino.
Nagbigay din ng reaksyon si Sotto sa mga kaanak ng government contractors o ng mga politiko na tila ipinagmamalaki ang yaman nila sa social media.
"Sila naman nag-post nu'n online, 'diba? So bigyan natin sila ng atensyon kung gusto nila!" dagdag ng alkalde.
Ani Sotto, isa sa magandang naidudulot ng kontrobersya sa flood control projects ay ang unti-unting sumibol ang kamalayan ng mga Pilipino.
"Napapaisip na tayo ngayon. Kapag may nakita na tayo na ipinagmamalaki 'yung travels, luxury cars... Nasa yate nagpa-party... Ngayon, napapaisip tayo. Napapaisip na tayo," aniya.
Dagdag pa ni Sotto: "Dati, ang usong mga kuwento, from rags to riches. Ngayon, ang uso nang kuwento, from robs to riches."