25/03/2025
Habang nag mamature tayo, hindi na natin tinitignan yung mainlove tayo ng todo, o magpadala sa mga matatamis na salita. Hindi na tayo tumitingin sa itsura o sa laman ng bulsa ng isang tao.
Mas gugustuhin na lang natin mag stay sa tao na may pure at genuine na intention sa atin. Tinitignan na lang natin kung gaano ba siya ka seryoso sa atin, kung mag sstay ba siya kapag mahirap na ang sitwasyon.
Hindi na natin hinahanap yung kilig, yung punch lines, o yung mga kunwaring effort sa una. Dahil alam na natin na lilipas at pansamantala lang yun.
Ang iniisip na lang natin ay yung mindset na "Kaya ba akong ipaglaban nito?" o "Mag sstay kaya ito hanggang sa huli?" "Committed kaya to sa anumang sitwasyon?"
Kumbaga mas malalim na ang gusto mo, hindi na puppy love, hindi na panandalian, dahil nakakapagod kasi hindi rin mag tatagal. Dun ka na sa talagang makakasama mo kahit ano man ang mangyari. 🤍✨
Ctto