07/08/2024
"UTANG"
Hello po, kwentong Isla. Nakita ko po yung post ng confession and want ko din maglabas ng sama ng loob. Please do hide my identity.
Ganito kasi yon, bakit kaya may mga taong, lumapit sayo para mangutang dahil kesyo ganyan ganito ,at siyempre maawain ka, sige gow ka pagpapautang, kilala mo naman. Plus Binigyan ka din naman ng date kung kelan babayaran.
Tapos ang ending, ikaw pa maghahabol sa paniningil. Walang kusa ba, nanggigil talaga ako. Masama pa eh, siya pa matapang pag singilan na, eh sabi niya katapusan. Di naman nilinaw kung anong katapusan ba. Katapusan b ng buwan or ng Mundo.
Minsan sila pa matapang mag post and mag parinig sa Epbi at story. Parang ako pa may kasalanan. Siya tong nangutang... Minsan naman nagpapakilala sa halagang 100? 200? Minsan pa 50? Talaga ba?? Sisirain niyo pagkakaibigan or pagkakakakilala ko sainyo sa ganyang halaga??
Konting konti nalang mapuputol na pisi ko, pag naputol to, ipapabarangay ko na.
Yun lang naman, Salamt po.
sana mapost. Nang gumaan naman ang pakiramdam ko.
Codename: Gglmoq
Barangay: *Confidential*
Date Submitted: August 7, 2024
-------
Hello, we are ππ¬ππ£π©π€π£π ππ¨π‘π. You can send or submit your confession, hinaing, or thoughts via Direct Message or through the link to our Google Form. Don't worryβyour secret is safe with us