24/04/2025
Bilang magulang, kadalasan kakainin mo na lang ibibigay mo pa, yung sarili mo kaligayahan na alam mong deserve mo naman pipigilan mo pa kasi mas gusto mo silang mga anak mo ang sumaya, hindi madali ang buhay sa totoo napaka hirap nga pero ayaw mo maramdaman nila, sabi mo sa sarili mo di bale na lang na ikaw makaramdam wag lang sila basta sila mag aral lang at magpakabait, may mga pagkakataon na hirap na damdamin mo gusto mo bumigay at umiyak pero pag kaharap na sila nag susuot ka ng maskera ng masayang mukha dahil ayaw mo mag alala sila, may mga pagkakataon pa nga na sasabihin mo busog kana at ubosin na nila ang ulam pero ang totoo iinom ka na lang ng tubig para magkalaman ang tiyan, may natira kang pera kakain ka sana sa fastfood pero nakokonsenya ka kasi gusto mo sila din sana kakain ng masarap kaya hindi mo na lang gagawin kumain dahil hindi mo kaya tiisin na ikaw masarap kinakain sila hindi, palagi ka nag sisinungaling sa kanila pag tinanong nila kung kaya mo pa o ayos ka lang ba ang sagot mo oo ok lang ako, ako pa ba? Kahit ang totoo durog kana at hirap, madaming sakripisyo ang isang mabuting magulang kaya siguro merun magulang na nagkakamali at sinusukuan ang pamilya pero para sa tulad mo na hindi sumusuko saludo ako sayo tol, ang galing mo, kayong mga anak mahalin nyo at yakapin nyo magulang nyo akala nyo ok lang sila lagi? Tingnan nyo katawan nyan sugat sugat na tinatakpan lang nila dahil ayaw nila mag alala kayo.