07/08/2025
𝗡𝗮𝗻𝗮𝘆 𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗻 𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶, 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗳𝗲𝗲𝗹 𝗺𝗼 𝗿𝗶𝗻 𝘁𝗼, 𝘆𝗮𝗸𝗮𝗽. 🤍
-
Hindi ko alam kung kailan nagsimula.
Yung palaging ako na lang ang may hawak ng camera, pero bihira na akong kasama sa frame.
Hanggang sa unti-unti ko na rin palang pinili na huwag na lang kuhanan ang sarili ko.
Feeling ko hindi na ako maganda.
Laging haggard. Laging puyat.
Laging may gatas sa damit, may eyebags, may inaalala.
Pero ngayong tinitingnan ko tong larawang to…
Naalala ko, hindi ko pala kailangang maging “maganda” sa paningin ng iba para maging mahalaga.
Nanay ako. At sa mata ng anak ko, ako ang mundo.
May stretch marks, may loose skin, may timbang na naiwan.
Pero may anak din akong minahal at minahal ako kahit ganito katawan ko ngayon.
Sa totoo lang… iba na talaga yung katawan.
Hindi na kasing firm, kasing sigla, o kasing sexy.
Pero alam ko… babawi rin ako.
For now, anak muna. Ako ulit... soon. 🤍
So this time, I’m choosing to be in the photo kahit hindi perpekto, basta totoo.