25/06/2025
Lingkod Manilenyo: Big Medical Mission & Operation Tuli
๐ Brgy. 858 Zone 98 District VI
๐ Labores St. cor Hilum & Carlos Ext. Pandacan, Manila
๐ June 21, 2025 | Saturday
Katuwang ang ZH Multilink kasama ang ZH Cares Volunteers at ibaโt ibang organisasyon, naghandog tayo ng serbisyong medikal kung saan nagkaroon tayo ng mga libreng general check-up, senior at pedia check-up, dental check-up, eye check-up na may libreng salamin. Naghandog ang Juan Pinoy ng Botika ni Juan Pinoy na nagbigay ng libreng gamot para sa mga naresetahan sa nasabing medical mission.
Ang Operation Tuli ay libreng serbisyo handog natin sa mga batang kalalakihan na nais magpatuli. Maraming salamat sa lahat ng ating katuwang na sina Mr. Ronan Li ng Rotary Club of Raha Sulayman Volunteers at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na nanguna sa pagtutuli ng mga bata.
Maraming salamat sa ating mga katuwang; E-Life Vision, Rotary Club of RAHA Sulayman, MANCA Fire Volunteers, Kagawad Patrick Montilla, Doc Stella and friends, City Treasurer's Office, PAO, City Civil Registry, VIB, OSCA, MDSW, DEPW, CGSO, MTPB, MHD, CGSO at DPS para sa pag-agapay sa programang ito. Kasama rin ang host barangay na nasasakupan, Brgy. 858 Council para sa isang ligtas, maayos, at matagumpay na proyekto para sa mga Manilenyo. Muli, maraming salamat po.
Ikinagagalak naming ibalita na 1,024 na mga Batang Pandacan na bumubuo ng Sona 98 ang ating napaglingkuran.