08/05/2026
“HOW DO YOU GRIEVE FOR A LOVE THAT DID NOT EVEN EXIST?”
Naalala ko yung mga gabing magka-video call tayo hanggang madaling araw habang pareho tayong gumagawa ng mga tasks. Yung mga panahong alam natin ang schedule ng isa’t isa, yung mga "ingat ka lagi" at yung mga seryosong usapan tungkol sa future na akala ko, kasama ako. Lahat ng tao sa paligid natin, pati mga kaibigan natin, iisa lang ang tanong: "Kayo na ba?" Pero ang lagi nating sagot, "Hindi, friends lang talaga kami."
Pero alam natin sa sarili natin na hindi lang 'yun basta friendship. Hindi "friends lang" yung hatid-sundo mo ako, yung laging magkasabay kumain, at yung selos na nararamdaman natin tuwing may lumalapit na iba sa atin.
Pero heto na tayo ngayon, nasa dulo na. Bigla kang nagbago nung pumasok na yung bagong chapter ng buhay natin. Bigla kang naging mailap, naging tipid ang mga replies, hanggang sa nabalitaan ko na lang na may iba ka na palang pinopormahan. At ang masakit? Wala akong karapatang magalit. Wala akong karapatang manumbat o humingi ng explanation kung bakit bigla kang nawala.
Kasi technically, walang "tayo." Walang label na pwedeng hawakan, walang anniversary na pwedeng balikan.
Sabi ko sa sarili ko, may self-respect ako. Alam ko na dapat hindi ako nasasaktan nang ganito kasi alam ko ang worth ko. Pero bakit ang hirap? Paano mo ba i-m-mourn yung isang bagay na sa isip at puso mo lang naman naging totoo? Paano mo bibitawan yung mga memories na akala mo ay simula na ng "lifetime" niyo, pero para sa kabilang tao, part lang pala ng paglipas ng oras?
I have enough self-worth to know that I shouldn't be crying over someone who never chose to claim me. Pero yung sakit, hindi siya basta-basta nawawala. Grieving for an "almost" is harder than a breakup, kasi pati yung lungkot mo, feeling mo invalid.
Para sa mga "almost" diyan, hindi kasalanan ang masaktan. Pero tandaan niyo, kung hindi niya kayang pangalanan yung nararamdaman niya noon, hindi siya yung taong deserve na iyakan mo hanggang ngayon.