26/08/2025
๐๐๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐
Boac, Marinduque โ Pinangunahan ng College of Environmental Studies (CES) ang kick-off meeting para sa Interdisciplinary Center for Sustainability, Resilience, and Environmental Justice (ICSREJ) noong Biyernes, Agosto 22, 2025, na ginanap sa Learning Resource Center ng Marinduque State University (MarSU).
Ang pagpupulong ay isinagawa bilang tugon sa Memorandum No. 47, s. 2025, na nag-aatas sa bawat kolehiyo na magsumite ng capsule research proposals na nakaangkla sa mga output ng isinagawang AIRPSE In-Service Training (INSET) Workshop noong Agosto 5โ6 sa Casa Real, Boac. Layunin ng ICSREJ na magsilbing sentrong interdisiplinaryo para sa mga pananaliksik at programang nakatuon sa sustainability, resilience, at environmental justice, sa pamamagitan ng magkakabuklod na pag-aaral at aksiyong pangkomunidad.
Ipinakilala sa pagpupulong ang dalawang pangunahing proyekto ng sentroโang DREAM (Disaster Resilient Environment Across Municipalities) at ang MARINE (Marinduque Advocates for Resiliency, Innovative, and Nurtured Environment), na naunang kilala bilang MARIN. Sa pambungad na mensahe ni Dr. Evangeline B. Mandia, Dekana ng CES at Area Lead ng ICSREJ, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng agarang pagsumite ng mga panukalang proyekto mula sa ibaโt ibang kolehiyo at binanggit na bawat kolehiyo ay inaasahang makapag-ambag ng kahit isang proposal o konsepto para sa kolektibong layunin ng sentro.
Tinalakay rin ang posibilidad ng dagdag na suporta mula sa DOST-MIMAROPA, na nagtanong ukol sa kasalukuyang budget ng unibersidad para sa pananaliksik. Binanggit niya na ang pagkakaroon ng mga handang proposal ay mahalaga upang makapaglaban ng mas mataas na pondo at makakuha ng suporta mula sa mga panlabas na ahensiya. Sa pagpupulong, nabanggit din ang pagkakaroon ng interes ng mga pamantasan mula sa Taiwan sa pagtanggap ng mga intern mula sa MarSU para sa training sa hatchery production.
Nagkaroon ng botong 100% pagsang-ayon sa inilahad na estruktura ng ICSREJ. Inatasan ang bawat kolehiyo na bumuo ng kani-kanilang Vision, Mission, at Goal (VMG), na kailangang isumite hanggang Agosto 28.
Inilahad din ang mga pangunahing bahagi ng MARINE project na kinabibilangan ng Capacity Development, Environmental Education and Advocacy, Environmental Rehabilitation and Monitoring, Environmental Governance, at Environmental Advocacy. Kabilang sa mga gawain sa ilalim ng Capacity Development ang pagtatasa ng pangangailangan, pagbuo ng mga intervention, at pagtukoy ng baseline data para sa bawat target na lugar. Sa bahagi naman ng Environmental Education and Advocacy ay inaasahang magsasagawa ng mga public awareness campaigns at pagbuo ng curriculum materials para sa mga paaralan at komunidad. Para sa Environmental Rehabilitation and Monitoring, ilalatag ang mga aktwal na hakbang sa pangangalaga at pagsubaybay sa kalikasan gamit ang ridge-to-reef approach. Sa Environmental Governance, pinagtibay ang pagsasama ng dating bahagi ng Change Leadership sa pamamagitan ng pagtutok sa lokal at institusyonal na pamamahala para sa kalikasan. Sa huli, sa ilalim ng Environmental Advocacy ay inaasahan ang pagbuo ng mga estratehiya upang hikayatin ang mga komunidad at lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga polisiya para sa kalikasan.
Itinalaga ang mga kolehiyo batay sa kani-kanilang espesyalisasyon at papel sa apat na kapaligiranโNatural, Built, Social, at Virtual. Inatasan ang CES, College of Fisheries and Aquatic Sciences (CFAS), College of Education (CoEd), College of Arts and Social Sciences (CASS), at College of Business and Accountancy (CBA) na manguna sa natural environment; College of Engineering (CEng), College of Industrial Technology (CIT), at CBA sa built environment; College of Governance (CGov), CASS, College of Allied Health Sciences (CAHS), College of Criminal Justice Education (CCJE), COEd, College of Information and Computing Sciences (CICS), at CBA sa social environment; at CICS, CCJE, at CENG naman sa virtual environment. Ang mga pananaliksik na ilalahad ay kailangang nakaangkla sa mga layunin at direksyon ng ICSREJ.
Isinama rin sa MARINE framework ang mga bahagi ng DREAM project na hinati sa tatlong yugto: una, ang Disaster Risk Exposition to Anticipate Mitigation, na tumutukoy sa hazard mapping, assessment ng gusali, at vulnerability index; ikalawa, ang Disaster Response Enhancement for Assistance Management, na nagsusuri kung anong mga serbisyo at tulong ang maibibigay ng bawat kolehiyo sa panahon ng sakuna; at ikatlo, ang Disaster Recovery Engagement to Alleviate Misery, na sumasaklaw sa post-disaster assessment, stress debriefing, at pagpapanumbalik ng mga apektadong sektor gaya ng negosyo at kalusugan.
Sa pagtatapos ng pagpupulong, nagbigay ng closing remarks si Ms. Anne Grace Labatete mula sa College of Governance, na siya ring Co-Lead ng proyekto. Inilahad niya ang kanyang tiwala sa kakayahan ng bawat kolehiyo na makapag-ambag at makabuo ng mga proyektong may tunay na epekto sa komunidad. Matapos nito, nagkaroon ng photo opportunity bilang pormal na pagtatapos ng aktibidad.
Kabilang sa mga napagkasunduang susunod na hakbang ang pagsusumite ng mga capsule proposals para sa presentasyon sa RECO sa Agosto 29, 2025; pagpapalawak ng dissemination ng impormasyon kaugnay ng ICSREJ; at ang susunod na pagpupulong na itinakda sa Setyembre 5, 2025, mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon sa College of Governance. Napagkasunduan ring isagawa ang regular na pagpupulong ng ICSREJ tuwing ikalawang Biyernes ng bawat buwan.
๐๐จ๐๐ฃ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐: ๐๐๐๐๐๐ก ๐๐๐จ๐๐
๐๐๐ฉ๐ง๐๐ฉ๐ค: [๐พ๐ค๐ก๐ก๐๐๐ ๐ค๐ ๐๐ฃ๐ซ๐๐ง๐ค๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก ๐๐ฉ๐ช๐๐๐๐จ]