BoakeNews

BoakeNews Balita sa loob at labas ng Boac, Marinduque

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—š 𝗨𝗧𝗒𝗦 𝗑𝗔 π—œ-π—¦π—œπ—‘π—šπ—Ÿπ—˜ π—©π—’π—§π—˜ π—”π—‘π—š π—žπ—”π—‘π—¬π—”π—‘π—š π—”π—‘π—”π—ž 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—žπ—” π—žπ—’π—‘π—¦π—˜π—›π—”π—ŸUmugong ang usap-usapan sa bayan ng Bo...
12/05/2025

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—š 𝗨𝗧𝗒𝗦 𝗑𝗔 π—œ-π—¦π—œπ—‘π—šπ—Ÿπ—˜ π—©π—’π—§π—˜ π—”π—‘π—š π—žπ—”π—‘π—¬π—”π—‘π—š π—”π—‘π—”π—ž 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—žπ—” π—žπ—’π—‘π—¦π—˜π—›π—”π—Ÿ

Umugong ang usap-usapan sa bayan ng Boac matapos lumabas ang umano'y direktibang ipinalabas ni Mayor Armi Carrion sa kanyang mga tagasuporta na magsagawa ng "single vote" o "bullet voting" para sa pagka-konsehal, at ang tanging iboto lamang ay ang kanyang anak na si Francis "Isko" Jacinto.

Ayon sa impormasyong nakuha mula sa isang source na malapit sa kampo ni Carrion, personal umanong ipinag-utos ng alkalde sa kanyang grassroots organizers at loyal supporters na huwag nang bumoto ng iba pang kandidato para konsehal maliban kay Isko Jacinto. Layunin umano nito na masigurado ang pagkapanalo ng kanyang anak sa gitna ng masikip na labanan sa local council race ng Boac.

Dagdag pa ng source, hindi lingid sa kaalaman ng marami na ito na ang huling termino ni Mayor Carrion bilang punong-bayan. Kaya’t sinasabing si Francis Isko Jacinto ang inihahanda at inilulunsad na pumalit sa kanya bilang susunod na mayor ng Boac sa darating na halalan sa 2028.

Bagamat wala pang pormal na pahayag mula sa kampo ng alkalde, hindi ito ang unang pagkakataong nababanggit ang planong "political succession" ng pamilya Carrion. Sa kabila nito, marami ang kumukwestyon sa etika ng panawagang "single vote," na umano'y sumisira sa prinsipyo ng patas at malayang halalan, at lalong nagpapatingkad sa isyu ng political dynasty sa lalawigan.

π—¦π—œπ—§π—’ π—Ÿπ—”π—¬π—Ÿπ—”π—¬, π—§π—œπ—‘π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—‘π—˜ 𝗨𝗣 π—‘π—š π—§π—˜π—”π—  𝗖𝗔π—₯π—₯𝗬 𝗒𝗑 π—‘π—œ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘Umiingay ngayon sa larangan ng pulitika sa bayan ng B...
12/05/2025

π—¦π—œπ—§π—’ π—Ÿπ—”π—¬π—Ÿπ—”π—¬, π—§π—œπ—‘π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—‘π—˜ 𝗨𝗣 π—‘π—š π—§π—˜π—”π—  𝗖𝗔π—₯π—₯𝗬 𝗒𝗑 π—‘π—œ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘

Umiingay ngayon sa larangan ng pulitika sa bayan ng Boac ang balitang tuluyang inalis sa line-up ng β€œTeam Carry On” ni Mayor Armi Carrion si Sito Laylay bilang isa sa mga kandidato sa pagka-konsehal ng bayan.

Batay sa kumakalat na sample ballots na ipinamamahagi ng kampo ni Mayor Carrion, kapansin-pansing na binura ang pangalan ni Laylay sa opisyal na listahan ng mga konsehal na inirerekomenda ng kanyang partido. Ayon sa ilang insider, malinaw umanong sinadyang burahin at alisin ang pangalan ni Laylay, bagay na ikinagulat at ikinadismaya ng kanyang mga taga-suporta.

Si Sito Laylay ay isa sa mga unang nagpakita ng suporta sa kampanya ni Mayor Carrion at aktibong sumama sa mga caucus at house-to-house activities ng Team Carry On. Kaya’t ang kanyang pagkakabura sa sample ballot ay ikinonsidera ng ilan bilang malinaw na β€œpaglalaglag.”

TINGNAN: Kasalukuyang pinamamahagi na ang pera para sa pambili ng boto ni Gilbert Daquioag na tumatakbo bilang 1st Distr...
10/05/2025

TINGNAN: Kasalukuyang pinamamahagi na ang pera para sa pambili ng boto ni Gilbert Daquioag na tumatakbo bilang 1st District Sangguniang Panlalawigan Member.

Sinasabing P100 kada botante ang hinanda ni Gilbert Daquioag.

π—‘π—•π—œ: 𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π—’π—£π—›π—˜π—₯ π——π—˜π—Ÿπ—’π—¦ 𝗦𝗔𝗑𝗧𝗒𝗦 π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π——π—¨π—€π—¨π—˜ π—‘π—˜π—ͺ𝗦 𝗧𝗩, 𝗑𝗔𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—žπ—’π—— π—‘π—š π—£π—”π—‘π—œπ—‘π—œπ—₯𝗔 π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ π—žπ—œπ—‘π—” π——π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—’π—¦π—” 𝗔𝗧 π—–π—”π—•π—”π—Ÿπ—Ÿπ—˜π—¦Lumalalim ang ...
10/05/2025

π—‘π—•π—œ: 𝗖𝗛π—₯π—œπ—¦π—§π—’π—£π—›π—˜π—₯ π——π—˜π—Ÿπ—’π—¦ 𝗦𝗔𝗑𝗧𝗒𝗦 π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—œπ—‘π——π—¨π—€π—¨π—˜ π—‘π—˜π—ͺ𝗦 𝗧𝗩, 𝗑𝗔𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—žπ—’π—— π—‘π—š π—£π—”π—‘π—œπ—‘π—œπ—₯𝗔 π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ π—žπ—œπ—‘π—” π——π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—’π—¦π—” 𝗔𝗧 π—–π—”π—•π—”π—Ÿπ—Ÿπ—˜π—¦

Lumalalim ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa diumano’y orchestrated na paninira laban kina mayoralty candidate James DE Dellosa at vice mayoralty candidate Tet Caballes.

Batay sa inisyal na report ng NBI, lumalabas na si Christopher Delos Santos, isang kilalang personalidad mula sa Marinduque News TV at tubong Santa Cruz, ang itinuturong nasa likod ng mapanirang kampanya. Ayon sa ulat, pinakiusapan umano si Delos Santos nina Dr. Romulo Bacorro at John Pelaez upang atakihin sa social media ang mga kalaban sa pulitika ng kaibigan nilang si Boac Mayor Armi Carrion.

Isang malaking ebidensya ang lumabas sa imbestigasyon: ang email at cellphone number na ginamit sa paggawa ng dalawang mapanirang page ay nakarehistro sa pangalan ni Paolo Magcale, na umano'y karelasyon ni Delos Santos.

Hindi rin ligtas sa kontrobersya si Vice Mayor Mark Anthony SeΓ±o, na umano’y isa sa mga admin ng naturang mga page at direktang kasangkot sa paggawa at pagpapatakbo ng mga ito. Dahil dito, nagsampa na ng reklamo sa NBI Cybercrime Division si Gng. Ninay Festin laban kay SeΓ±o, matapos mapatunayang ang kanyang numero ay ginamit sa isa sa mga mapanirang pahina sa social media.

Patuloy ang pag-usad ng imbestigasyon habang hinihintay ang posibleng pagsampa ng kaukulang kaso laban sa iba pang sangkot sa nasabing paninira.

π—”π—‘π—”π—ž π—‘π—œ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π——π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗗π—₯π—¨π—š 𝗦𝗨π—₯π—˜π—‘π——π—˜π—₯π—˜π—˜ 𝗔𝗧 𝗑𝗔𝗦𝗔 π—ͺπ—”π—§π—–π—›π—Ÿπ—œπ—¦π—§ π—‘π—š π—£π——π—˜π—”Umingay muli ang pangalan ni Francis Isko Ja...
08/05/2025

π—”π—‘π—”π—ž π—‘π—œ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π——π—”π—§π—œπ—‘π—š 𝗗π—₯π—¨π—š 𝗦𝗨π—₯π—˜π—‘π——π—˜π—₯π—˜π—˜ 𝗔𝗧 𝗑𝗔𝗦𝗔 π—ͺπ—”π—§π—–π—›π—Ÿπ—œπ—¦π—§ π—‘π—š π—£π——π—˜π—”

Umingay muli ang pangalan ni Francis Isko Jacinto, anak ni Mayor Armi Carrion, matapos ilabas ng isang source ang impormasyon na ito’y kabilang sa mga drug surrenderee noong Oplan Tokhang sa Quezon City noong 2017.

Ayon sa aming source, hindi lang isang beses kundi ilang ulit nang dinala si Jacinto sa iba’t ibang rehabilitation center matapos mahuli sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa kabila nito, hindi umano nagbago ang kanyang gawi at patuloy pa rin sa paggamit ng ilegal na droga.

Mas ikinabahala pa ng ilan ang lumabas na impormasyon na bukod sa pagiging gumagamit, kabilang din umano si Jacinto sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa bentahan ng ilegal na droga.

Isa din sa tinitingnan ng PDEA na isa si Francis Jacinto sa maaring nagpapasok ng droga sa bayan ng Boac dahil may kaugnayan ito sa mga malalaking drug lord sa kamaynilaan.

Hindi lingid sa mga kaibigan at matagal nang kasama ni Mayor Armi Carrion at Governor Carrion ang tungkol sa pag-gamit ng illegal na droga ni Francis Jacinto.

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—¬π—”π—šπ—”π—‘π—š π—šπ—”π— π—œπ—§π—œπ—‘ π—”π—‘π—š 𝗕𝗒𝗔𝗖 π—₯π—œπ—©π—˜π—₯ π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—›π—¨π—žπ—”π—¬π—”π—‘ π—‘π—š π— π—šπ—” π—žπ—’π—‘π—§π—₯π—”π—§π—œπ—¦π—§π—”Umalingawngaw na naman ang pangal...
25/04/2025

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—¬π—”π—šπ—”π—‘π—š π—šπ—”π— π—œπ—§π—œπ—‘ π—”π—‘π—š 𝗕𝗒𝗔𝗖 π—₯π—œπ—©π—˜π—₯ π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—›π—¨π—žπ—”π—¬π—”π—‘ π—‘π—š π— π—šπ—” π—žπ—’π—‘π—§π—₯π—”π—§π—œπ—¦π—§π—”

Umalingawngaw na naman ang pangalan ni Mayor Armi Carrion, ngayon ay kaugnay sa umano’y pagbibigay ng pahintulot sa ilang mga kontratista upang magsagawa ng dredging o paghuhukay sa mismong Boac River.

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, makailang ulit nang nakita ang mga heavy equipment at truck ng mga kontratista sa mismong ilog, kung saan sila umano kumukuha ng graba at buhangin para sa mga proyektong imprastruktura sa buong lalawigan.

Lumalabas din sa impormasyon na nakuha ng aming news team na isa si Mayor Carrion sa direktang nakikinabang sa dredging na ito. Bilang isang kontratista rin, sinasabing 3 sa bawat 10 truck ng graba mula sa Boac River ay direktang kinukubra ni Mayor Carrion bilang β€œprosyento” o bahagi sa kita, na agad namang binabayaran sa kanya ng mga kontraktor.

β€œMatagal nang ginagawa ito. Legal man o hindi, ang masakit dito, mismong ilog na dapat pinoprotektahan ng LGU ay ginagawang source ng kita ng ilang opisyal,” ayon sa isang insider mula sa mismong munisipyo ng Boac.

Dahil dito, umalingawngaw muli ang panawagan ng publiko na imbestigahan ang mga aktibidad sa Boac River, lalo’t matagal na umanong nararanasan ng mga residente sa paligid ng ilog ang epekto ng naturang paghuhukay β€” gaya ng mabilis na pagguho ng lupa, pagbaba ng kalidad ng tubig, at pagbaha sa panahon ng malalakas na ulan.

Ayon pa sa ilang tagaroon, dapat ring sisihin si Mayor Armi Carrion sa kapabayaang nagdudulot ng unti-unting pagkasira ng Boac River, dahil sa kanyang pagpapaubaya sa ganitong gawain na higit na nakikinabang ay ang mga kontraktor β€” at siya mismo.

Matatandaan na may namatay na isang residente dahil sa pagkalunod sa ilog ng dahil sa ginagawang dredging na pinahintulutan ni Mayor Armi Carrion.

π—žπ—”π—£π—œπ—§π—”π—‘π—” π—¦π—›π—˜π—œπ—Ÿπ—” 𝗦𝗔𝗑 π—π—’π—¦π—˜, π—‘π—œπ—Ÿπ—”π—šπ—Ÿπ—”π—š π—‘π—š π—§π—˜π—”π—  π—’π—‘π—˜ 𝗕𝗒𝗔𝗖Umuugong ngayon ang isyu ng paglalaglag umano ni Mayor Armi Carrion a...
24/04/2025

π—žπ—”π—£π—œπ—§π—”π—‘π—” π—¦π—›π—˜π—œπ—Ÿπ—” 𝗦𝗔𝗑 π—π—’π—¦π—˜, π—‘π—œπ—Ÿπ—”π—šπ—Ÿπ—”π—š π—‘π—š π—§π—˜π—”π—  π—’π—‘π—˜ 𝗕𝗒𝗔𝗖

Umuugong ngayon ang isyu ng paglalaglag umano ni Mayor Armi Carrion at ng kanyang Team One Boac kay Kapitana Sheila San Jose, matapos pumutok ang balitang mas pinili nilang suportahan si Tino Manrique at isama ito sa kanilang opisyal na line-up sa darating na halalan.

Ayon sa isang insider na malapit sa kampo ni Kapitana Sheila, may pangako umano si Mayor Carrion na isasama si Kapitana Sheila sa mga caucus, house-to-house at maging sa sample ballots ng kanyang grupo β€” kahit pa tumatakbo itong independent. Sa mga nakalipas na linggo, madalas pang nakikitang kasama sa kampanya ng Team One Boac si Kapitana Sheila, dahilan upang maniwala ang kanyang mga taga-suporta na ito'y opisyal na miyembro ng ticket ng kasalukuyang administrasyon.

Ngunit kamakailan, nabigla ang kampo ni Kapitana Sheila nang kumpirmahing hindi siya isinama sa opisyal na listahan ng mga konsehal, at sa halip ay si Tino Manrique ang kinuha at isinama sa line-up. Ayon sa parehong insider, tila nagbago ang ihip ng hangin matapos makita ni Mayor Carrion ang posibilidad na mas malakas ang hatak ni Manrique sa botante.

β€œGinamit lang si Kapitana Sheila para punan ang kakulangan sa line-up ng Team One Boac, tapos nilaglag rin pala sa bandang huli,” ani ng source. Mapapansin na 7 lamang talaga ang orihinal na kasama sa line-up ni Mayor Carrion, dahil umano sa kakulangan ng nais sumama sa kanyang ticket matapos masangkot sa ilang isyu ang kanyang administrasyon.

Matatandaan na noong nakaraang eleksyon, itinakwil ng parehong grupo si Tino Manrique matapos magkaroon ng alitan kay Konsehal Nic Solomon. Ayon sa mga ulat, nag-ugat ito sa diumano’y paglalabas ni Solomon ng screenshot ng sensitibong usapan ng kanilang grupo kaugnay sa anak ni Engr. James β€œDE” Dellosa, na noo’y tumatakbo rin sa lokal na posisyon.

Ngayon, tila nakalimutan na ang dating sigalot, at si Tino Manrique na ang bagong tinutulungan ng Team One Boac β€” kapalit ni Kapitana Sheila.

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π—‘π—”π—šπ—ͺπ—”π—Ÿπ—” 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—›π—œπ—‘π——π—œ π—œ-π—˜π—‘π——π—’π—₯𝗦𝗒 π—‘π—œ π—–π—’π—‘π—š. π—©π—˜π—Ÿπ—”π—¦π—–π—’ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—žπ—” 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—‘π—š 𝗕𝗒𝗔𝗖Umiinit ang pulitika sa ...
24/04/2025

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π—‘π—”π—šπ—ͺπ—”π—Ÿπ—” 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—›π—œπ—‘π——π—œ π—œ-π—˜π—‘π——π—’π—₯𝗦𝗒 π—‘π—œ π—–π—’π—‘π—š. π—©π—˜π—Ÿπ—”π—¦π—–π—’ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—žπ—” 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—‘π—š 𝗕𝗒𝗔𝗖

Umiinit ang pulitika sa bayan ng Boac matapos kumalat ang balita na umano’y nagwala si Mayor Armi Carrion sa kanilang tahanan dahil hindi siya inendorso ni Congressman Lord Allan Jay Velasco sa kanyang muling pagtakbo bilang alkalde ng bayan.

Ayon sa mga malapit sa pamilya Velasco, bagamat magkaticket umano sina Mayor Carrion at Congressman Velasco, ay pinili ng kongresista na hindi mag-endorso ng sinuman sa mga nominado sa pagka-mayor ng Boac. Ito umano ay upang panatilihin ang neutrality at hindi makialam sa mga lokal na tunggalian, ayon sa isang source na humiling ng hindi pagpapangalan.

Sa ginanap na caucus kamakailan na pinangunahan ni Mayor Carrion, tanging si Governor Presby Velasco lamang ang nagtataas ng kanyang kamay. Hindi dumalo si Congressman Lord Allan Jay Velasco sa nasabing pagtitipon, bagay na ikinadismaya at umano’y ikinagalit ni Mayor Carrion.

"Napahiya si Mayora," ani ng isang insider mula sa hanay ng lokal na pamahalaan. "Ilang beses niyang sinasabi sa mga barangay caucus na todo suporta ang mag-amang Velasco sa kanya, pero hindi lumitaw si Cong. Lord."

Dagdag pa rito, usap-usapan na hindi nagustuhan ng kampo ng Velasco ang umano'y estilo ng pamumuno ni Carrion, at ilang isyung isinasangkot ang pangalan ng alkalde, kabilang na ang kontrobersya ng umano’y pangingikil sa isang franchisee at ang patuloy na pagkalito sa paggamit ng pondo ng bayan.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Mayor Armi Carrion ukol sa umano’y insidente ng pagwawala, ngunit lumalakas ang spekulasyon na maaari itong makaapekto sa kanyang kandidatura sa nalalapit na halalan.

Samantala, inaabangan ng mga mamamayan ng Boac ang magiging posisyon ng kongresista at kung maglalabas ito ng pahayag para linawin ang kanyang pananaw ukol sa mayoralty race ng kanilang bayan.

𝗖𝗒𝗔, π—žπ—œπ—‘π—¨π—žπ—ͺπ—˜π—¦π—§π—¬π—’π—‘ π—”π—‘π—š π— π—”π—›π—œπ—šπ—œπ—§ β‚±πŸ­πŸ¬π—  π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—•π—¨π——π—šπ—˜π—§ π—‘π—š π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗕𝗒𝗔𝗖Binusisi at kinuwestyon ng Commission on Au...
24/04/2025

𝗖𝗒𝗔, π—žπ—œπ—‘π—¨π—žπ—ͺπ—˜π—¦π—§π—¬π—’π—‘ π—”π—‘π—š π— π—”π—›π—œπ—šπ—œπ—§ β‚±πŸ­πŸ¬π—  π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—•π—¨π——π—šπ—˜π—§ π—‘π—š π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗕𝗒𝗔𝗖

Binusisi at kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang paggamit ng mahigit β‚±10 milyong pondo para sa kalusugan ng Pamahalaang Bayan ng Boac sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Armi Carrion, matapos lumabas sa kanilang imbestigasyon na ultimo basic na gamot gaya ng paracetamol at pang-BP ay wala umano sa mga Barangay Health Workers (BHW).

Sa isinagawang audit ng COA sa Boac Municipal Health Office, lumitaw na 66 Barangay Health Workers mula sa iba't ibang barangay sa bayan ang walang hawak ni isang gamot o suplay na maaaring magamit sa mga pangunahing pangangailangang medikal ng mga residente. Ayon sa ulat, marami sa mga ito ang umaasa lamang sa donasyon at sariling gastos upang maipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa mga kababayan.

Pinagpapaliwanag na ngayon si Mayor Carrion ng COA kung saan napunta ang naturang pondo. Ayon sa audit findings, kulang sa dokumentasyon, delivery records, at distribution logs ang mga biniling gamot at medical supplies. Lalo pang lumala ang sitwasyon nang lumutang ang reklamo ng mga residente ukol sa mga ambulansya ng munisipyo na diumano’y hindi man lang magamit sa panahon ng pangangailangan.

β€œTuwing may emergency, ang sagot sa amin ay wala daw available o sira ang ambulansya. Eh ni minsan nga, hindi namin nakita β€˜yang gamitin,” pahayag ng isang residente mula Barangay Caganhao.

Dagdag pa ng ibang mamamayan, tila ba nawawala o napupunta sa kung saan ang dapat sana'y serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Boac.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Mayor Armi Carrion ukol sa isyu habang patuloy ang imbestigasyon ng COA at posibleng administrative review ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sakaling mapatunayang may kapabayaan o iregularidad sa paggasta ng pondo.

Samantala, nananawagan ang mga residente ng Boac ng transparency at accountability, at hinihiling na agad maipaliwanag sa publiko kung bakit hanggang ngayon ay salat pa rin sa gamot at gamit ang kanilang mga health centers, sa kabila ng malaking budget na inilaan para rito.

π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—₯*π—£π—˜ 𝗑𝗔 π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π— π—£π—” π—žπ—”π—¬ π—žπ—’π—‘π—¦π—˜π—›π—”π—Ÿ π—”π—Ÿπ—˜π—π—‘π—œπ—– π—¦π—’π—Ÿπ—’π— π—’π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—œπ—œπ— π—•π—˜π—¦π—§π—œπ—šπ—”π—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—‘π—¬π—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—žπ—”π—¦π—”π— π—”π—‘π—š π—žπ—’π—‘π—¦π—˜π—›π—”π—ŸBa...
24/04/2025

π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—₯*π—£π—˜ 𝗑𝗔 π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π— π—£π—” π—žπ—”π—¬ π—žπ—’π—‘π—¦π—˜π—›π—”π—Ÿ π—”π—Ÿπ—˜π—π—‘π—œπ—– π—¦π—’π—Ÿπ—’π— π—’π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—œπ—œπ— π—•π—˜π—¦π—§π—œπ—šπ—”π—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—‘π—¬π—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—žπ—”π—¦π—”π— π—”π—‘π—š π—žπ—’π—‘π—¦π—˜π—›π—”π—Ÿ

Bagama’t mahigit isang taon na ang lumipas mula nang pumutok ang isyu ng umano’y pangmom*lestya ni Konsehal Alejnic Solomon sa isang menor de edad, muling binubuhay ito ngayon ng isang kasamahang konsehal mula sa ticket ni Mayor Armi Carrion.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source mula sa loob ng munisipyo, pinabubuksan umano ng naturang konsehal ang isyu sa Sangguniang Bayan, sa layuning paimbestigahan muli ang kasong r*pe at pangmom*lestya. Giit ng konsehal, hindi dapat manatiling tahimik ang konseho sa isang isyung ganito, lalo’t minor de edad ang sangkot at may mga dokumentong nagpapatunay na may kasong isinampa.

Ang umano’y pangmom*lestya ay naganap noong nakaraang taon, at ayon sa ulat, naging sanhi ito ng matinding trauma sa biktima. Sa kabila ng paglipas ng panahon, naniniwala ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan na nararapat lang na harapin ito ni Konsehal Solomon upang mapanagot kung may pagkakasala man.

Sa ngayon, nananatiling tahimik si Konsehal Alejnic Solomon ukol sa muling pagbuhay ng isyu. Hindi rin malinaw kung siya ay magsusumite ng pormal na sagot o depensa sa mga binangong alegasyon.

Sa gitna ng isyung ito, mas lalo ring umiigting ang tensyon sa loob ng Sangguniang Bayan, kung saan tila may namumuong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng ilang miyembro na parehong nasa panig ni Mayor Carrion. May mga espekulasyon na posibleng bahagi ito ng bangayan sa pulitika na ngayon ay unti-unti nang lumulutang sa publiko.

Sa huli, iisa ang panawagan ng taumbayan: katotohanan, hustisya, at pananagutan β€” anuman ang posisyon o katayuan.

𝗔𝗦𝗔π—ͺ𝗔 π—‘π—œ π——π—”π—©π—˜ π—Ÿπ—”π—₯π—šπ—”, π—¦π—œπ—‘π—¨π—šπ—’π—— π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 π—‘π—œ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—›π—œπ—  𝗑𝗔 π—₯π—˜π—Ÿπ—”π—¦π—¬π—’π—‘!Usap-usapan ngayon ang pagsugod ...
27/03/2025

𝗔𝗦𝗔π—ͺ𝗔 π—‘π—œ π——π—”π—©π—˜ π—Ÿπ—”π—₯π—šπ—”, π—¦π—œπ—‘π—¨π—šπ—’π—— π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 π—‘π—œ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘ π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—›π—œπ—  𝗑𝗔 π—₯π—˜π—Ÿπ—”π—¦π—¬π—’π—‘!

Usap-usapan ngayon ang pagsugod ng asawa ni Konsehal Dave Larga sa bahay ni Mayor Armi Carrion, matapos kumalat ang balita na may lihim na relasyon umano ang dalawa.

Ayon sa mga kapitbahay ni Mayor Armi, kitang-kita ang galit ng misis ni Konsehal Larga nang dumating ito sa bahay ni Mayor Carrion. Bagamat hindi malinaw ang naging eksaktong sagutan, marami ang nagsasabing may matibay na dahilan ang ginawang pagsugod dahil matagal nang napapabalita ang umano’y espesyal na ugnayan nina Mayor Armi at Konsehal Dave Larga.

Ayon sa ilang empleyado ng munisipyo, hindi na raw bago ang balitang ito. "Open secret na β€˜yan dito. Talagang may relasyon ang dalawang yan," wika ng isang kawani na tumangging magpakilala. β€œLagi naming nakikitang pumupunta si Konsehal Dave Larga sa opisina ni Mayor tska mahahalata mo talagang may something sa kanila."

Dagdag pa ng ibang empleyado, madalas umanong sabay mag-lunch sina Mayor Carrion at Konsehal Larga sa opisina ng alkalde, na tila isang malinaw na indikasyon ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa. "Para bang may special treatment, laging kasama yan sa travel. Kahit wala naman siyang kinalaman doon" sabi pa ng isang konsehal na aming nakausap.

Sa ngayon, wala pang pahayag mula kina Mayor Carrion at Konsehal Larga ukol sa isyu. Ngunit sa kabila ng kanilang pananahimik, patuloy ang pag-usisa ng publiko, lalo na matapos ang mainit na eksena ng pagsugod ng asawa ni Konsehal Larga.

Maraming netizens ang nag-aabang kung magsasalita ang alinman sa mga sangkot sa kontrobersiya. Sa isang bayan kung saan ang politika at tsismis ay laging magkaugnay, hindi malabong mas lumalim pa ang usaping ito.

Abangan ang susunod na kabanata sa isa na namang eskandalo sa loob ng munisipyo ng Boac!

21/03/2025

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ 𝗔π—₯π— π—œ 𝗖𝗔π—₯π—₯π—œπ—’π—‘, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—¦π—”π—‘π—šπ—žπ—’π—§ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—œπ—‘π—šπ—œπ—žπ—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 𝗙π—₯π—”π—‘π—–π—›π—œπ—¦π—˜π—˜ π—‘π—š π—π—’π—Ÿπ—Ÿπ—œπ—•π—˜π—˜ 𝗦𝗔 𝗕𝗒𝗔𝗖

PANOORIN: Umaalma ngayon ang publiko sa isang isyu ng umano’y pangingikil ng 15 milyong piso sa franchisee ng Jollibee sa Boac, Marinduque, kapalit ng pagpayag sa pagpapatayo ng nasabing fast-food chain sa bayan.

Ang kontrobersiyang ito ay sumiklab matapos lumabas ang isang live broadcast ng programang "Damdaming Bayan" ng DZRH kaninang umaga, kung saan tinalakay ang alegasyon laban kay Mayor Armi Carrion. Ayon sa ulat, unang humingi umano ng 15 milyong piso ang kampo ni Mayor Carrion, ngunit kalaunan ay binaba ito sa 8 milyong piso matapos ang negosasyon. Gayunpaman, hindi pa rin pumayag ang franchisee ng Jollibee, na tila nagduda sa hinihinging halaga.

Isa pang nakakagimbal na pahayag ang lumabas sa nasabing programa nang ibunyag ng batikang radio announcer na si Lakay Deo Macalma na inimbitahan siya ng isang abogado ni Mayor Carrion na kausapin siya.

Ngunit noong tumanggi siya at sinabi na ang dapat kausapin ay yung negosyante na nais mag franchise ay hindi siya ay pinagbantaan na ito ng abogado ni Mayor Carrion.

"Alam mo lakay ang Mayor na yun e, nagpapatumba" ani Macalma sa kanyang programa.

Dahil dito, marami ang nangangamba para sa kaligtasan ng mga mamamahayag at negosyanteng maaaring may nalalaman tungkol sa umano’y ilegal na gawain sa loob ng lokal na pamahalaan.

Matatandaang sa isang episode ng Damdaming Bayan noong Marso 12, 2024, may binanggit ang mga host na isang alkalde mula sa isang bayan sa probinsya ng Marinduque ang nangikil umano ng 15 milyong piso sa isang franchisee bago pumayag sa kanilang negosyo.

Sa ulat, tinawag nila ang alkalde bilang "Mayor C" o "Mayor Crocodile", isang malinaw na patama sa diumano'y kasakiman ng nasabing opisyal. Bagamat walang direktang pangalan ang binanggit, maraming netizens ang nagsasabing tila si Mayor Armi Carrion ang tinutukoy sa paratang.

Magkakaroon kaya ng imbestigasyon? O ito na ba ang simula ng pagbagsak ng isang "Mayor Crocodile"?

Address

Barangay Laylay
Boac
4900

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BoakeNews posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share