25/09/2025
LAND TRAVEL ADVISORY
Pinapayuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus at trak na iwasan muna ang biyahe patungong Region IV-A ngayong Setyembre 25, 2025, alinsunod sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense CALABARZON.
Layon nito na maiwasan ang pagdami ng mga pasahero at sasakyang maaaring ma-stranded sa mga pangunahing kalsada at pantalan tulad ng BauanโBatangas Provincial Road, Batangas City Pier, Dalahican Pier sa Lucena City, at iba pang pangunahing lansangan sa rehiyon na maaapektuhan ng bagyong Opong.