04/08/2026
Juan 14:6
«“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”»
Hindi sapat ang lakas ng lalaki para iligtas ang sarili niya. Ang tunay na lakas ay nagsisimula sa pagsuko at pagtitiwala kay Jesu-Cristo.
KAYA KO… PERO HANGGANG SAAN?
Bilang lalaki, sanay tayong magsabi:
“Kaya ko ’to.”
Ayaw nating humingi ng tulong.
Pero darating ang punto na kailangan nating aminin:
Hindi lahat kaya natin.
Sa buhay, maaaring kayanin natin sa sariling lakas.
Pero pagdating sa kaligtasan, kailangan natin si Cristo.
Hindi lahat ng daan ay patungo sa Diyos.
May isang Daan. At ang pangalan Niya ay JESUS.
1. IBABA ANG PRIDE — HINDI MO KAYA MAG-ISA
Pera, trabaho, posisyon, kabutihan, at sariling disiplina—hindi sapat para alisin ang kasalanan.
Ang tunay na matapang na lalaki ay kayang sabihin:
«“Hindi ko kayang iligtas ang sarili ko. Kailangan ko si Jesus.”»
Real strength begins with surrender.
2. HUWAG MAGTAGO SA RELIHIYON
Hindi sapat ang:
“Sumisimba naman ako.”
“Christian naman ako.”
“Dito naman lumaki ang pamilya ko.”
Ang tanong ay:
“Kilalang-kilala mo ba si Jesus at isinuko mo ba sa Kanya ang buhay mo?”
Hindi relihiyon ang kailangan natin.
Relationship with Christ.
3. PUMILI NG ISANG DAAN
Sinabi ni Jesus:
AKO ANG DAAN — Siya ang patungo sa Ama.
AKO ANG KATOTOHANAN — Siya ang sagot sa kasinungalingan ng mundo.
AKO ANG BUHAY — Siya ang tunay na layunin ng buhay.
Huwag nating gawing last option si Lord.
Huwag lang tumawag kay Lord kapag wala ka nang ibang magawa.
Gawin natin Siyang first choice, hindi emergency choice.
4. MANINDIGAN — MAKE THE CALL
Sabi sa Gawa 4:12:
«“Walang ibang pangalan... na ating ikaliligtas.”»
Hindi pwedeng habang-buhay tayong undecided.
Hindi pwedeng kalahati kay Lord, kalahati sa mundo.
Bilang lalaki, kailangan nating pumili at manindigan.
PILIIN MO SI CRISTO.
ANG TUNAY NA LALAKI
Ang pagsuko kay Cristo ay hindi kahinaan.
Ito ang pinakamalakas at pinakamatapang na desisyon ng isang lalaki.
Kaya:
Ibaba ang pride.
Iwan ang sariling kayabangan.
Isuko ang buhay kay Jesus.
Manindigan sa pananampalataya.
At akayin ang pamilya sa Tanging Daan.
🔥 MANINDIGAN.
PILIIN SI CRISTO.
SI JESUS ANG TANGING DAAN.