25/10/2025
๐๐๐๐๐๐ || ๐๐๐๐๐๐
๐
๐จ๐จ๐ญ๐๐๐ฅ๐ฅ ๐๐๐๐ฆ, ๐๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐
PAMBUJAN, Northern Samar โ Oktubre 16, 2025. Matapos ang serye ng mahihigpit na laban, matagumpay na nakamit ng Eladio T. Balite Memorial School of Fisheries (ETBMSF) Football Team ang tansong medalya sa Northern Samar Provincial Athletic Association (NSPAA) Meet 2025 na ginanap sa bayan ng Pambujan, Northern Samar.
Pinamunuan ng kanilang coach, Gng. Jennalyn Resurreccion, ipinamalas ng koponan ang kahusayan, disiplina, at matatag na samahan sa buong torneo. Sa pamumuno ni Team Captain Jhonloyd Madeja, pinatibay ng koponan ang midfield sa pangunguna nina Ylle Kurt Ortecio, Rain Madeja, Jade Nordan, at Ace Clean Ortecio, na nagbigay ng matatag na depensa at kontrol sa gitna ng laro.
Nanguna sa opensa si Jhon Christian Rivera bilang striker, habang sina Zeneth Evasco, Keanu Agonias, Ramjean Comendador, at Rich Miley Miralles ang nagsilbing mga winger na nagbigay ng bilis at estratehikong pag-atake sa koponan. Sa depensa, matatag na nagbantay sina Ace Mark Arsenio, Mark Kevin Gallego, Dennis Custorio, Raymond Monticalvo, Emmanuel Gallanes, at Dino Garais, na nagsilbing sandigan laban sa mga matitinding kalaban. Nagpakitang-gilas din sina Rey Garais at Emman Lutao bilang mga goalkeeper na nagbigay ng seguridad at tapang sa bawat laban.
Sa kabila ng matinding kompetisyon, nanatiling matatag at palaban ang ETBMSF Football Team, ipinakita ang diwa ng sportsmanship at pagkakaisa. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang isang medalya, kundi isang patunay ng sipag, tiyaga, at pusong mandirigma ng bawat manlalaro. Ang tansong medalya ay sumisimbolo ng karangalan at inspirasyon para sa buong paaralan โ patunay na ang tagumpay ay nakakamit ng mga pusong hindi sumusuko. #
โ๏ธ | Ivy Lutao
๐ป | Sol Rodriguez