SAKTO

SAKTO News, information, public service

26/07/2025

3 TULAK DINAMPOT SA CAMANAVA
https://youtube.com/shorts/eZResLY-yXc?si=bWq9KnJRfYzDfu3D

MAHIGIT P200, 000 halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities.
Dakong alas-5:45 ng umaga nang dambahin ng mga operatiba ng DDEU sina alyas " Ayie", at alyas "Nene", matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi't kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P136,000 at buy bust money.
Sa Navotas, nalambat naman ang tulak na si alyas "Unong", 42, nang kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Brgy., Sipac Almacin dakong alas-12:20 ng hating gabi.
Nasamsam ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas CPS sa suspek ang nasa 10.8 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng P68,544 at buy bust money. (RPanizal)

24/07/2025

PINAS INUNGGOY NG US
https://youtube.com/shorts/f24njS5XOuk?si=_sRsDcl_mAsuj9Sw

TAAS-KILAY ang ilang kritiko sa pinaniniwalaang hindi patas na pagtrato ng US sinasabing kaalyuado sa Asia na Republika ng Pilipinas.
Magpapatupad kasi ang US ng 19% taripa sa mga produkto ng Pilipinas, habang ang mga produktong galing US ay walang taripa pagpasok sa bansa.
Ito ay sa kabila na gagamitin ng US ang ilang teritoryo ng Pilipinas bilang base military at palalawakin ang mga aktibidad na militar, kabilang ang plano para sa US-funded ammunition hub sa Subic Bay.
Binibigyang priyoridad ang mga kumpanyang Amerikano sa sektor ng enerhiya, imprastruktura, at mineral tulad ng nickel at cobalt sa Pilipinas.
Malawak ang konsesyon ng Pilipinas—zero taripa, sapilitang importasyon, at access sa yaman—kapalit ng kaunting bawas sa taripa (mula 20% naging 19%).
May mga probisyong limitado ang kakayahan ng Pilipinas na makipagkasundo sa ibang bansa kung itinuturing ng US na “mapanganib,” pati ang pagbibigay ng lokal na subsidy na dapat may basbas ng US.
Ayon sa ilang kritiko, pikit-matang tinanggap ng Pilipinas ang hindi patas na kasunduan upang makatuwang ang US sa tensiyon sa South China Sea laban sa China.
Tinawag ng ilang Filipino-American leaders at ekonomista ang kasunduan bilang “kahihiyan” at “sapilitang kasunduan,” at nanawagan ng transparency at renegosasyon.

23/07/2025

US SA PINAS: PABRIKA NG BALA
https://youtube.com/shorts/3rmpf4WGsQE?si=PgIcH2W0iv4bTPnw

HINILING ni Pangulong Marcos ang isang patas at kapaki-pakinabang na kasunduan sa taripa upang iwasan ang nakaambang 20% buwis sa mga produktong galing sa Pilipinas sa U.S.
Layunin niyang palakasin ang ekonomiya ng Pilipinas upang maging mas maaasahang kaalyado ng Amerika kasama na rin ang sosyohan sa pagtatayo ng paggawa ng ammunition sa Subic Bay.
Posibleng muling buhayin ang kasunduang bilateral sa kalakalan na naudlot dahil sa palit-liderato.
Nakipagpulong si Marcos kay U.S. Defense Secretary Pete Hegseth at Secretary of State Marco Rubio upang kumpirmahin ang Mutual Defense Treaty.
Nangako ang U.S. na saklaw ng kasunduan ang anumang pag-atake sa mga puwersa ng Pilipinas—kasama ang coast guard—sa Pacific.
May balak na magpatayo ng pabrika ng bala sa Pilipinas sa tulong ng U.S., para sa pambansang seguridad at hanapbuhay.
Nagdulot ng protesta ang mahigpit na polisiya ni Trump sa imigrasyon, lalo na sa pagde-deport ng mga OFW.
Binatikos si Marcos sa kakulangan umano ng suporta para sa mga Pilipinong naapektuhan.
Isinusulong ng pamahalaan na direktang sa Pilipinas pauwiin ang mga deportado, hindi sa third country.
🧭 Pang-estratehiyang Hamon

22/07/2025

SONA :VP SARA ABSENT
https://youtube.com/shorts/Uu1SKs63rJk?si=G7qK34P4R0FKb3Wz

Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28.
Ani Duterte, siya ay magtutungo sa South Korea para makipagkita sa mga Filipino doon.
Idinagdag pa niya na matapos ang kanyang pananatili sa The Hague para bisitahin ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, bibisita naman ang common-law wife ng ama na si Honeylet Avanceña sa International Criminal Court detention facility.
“No, no SONA for me… Kasi inaano namin ‘yung 4 days a week na kasi ‘yung bisita. So, mina-maximize namin yung grants ng detention unit ng 4 times a week,” ani VP Sara.
Samantala, nagbigay din ng update si Duterte sa kalusugan ng dating Pangulo na inilarawang niyang buto’t balat na.
“Payat siya. Sobrang payat siya na hindi niyo pa siya nakita na ganito kapayat,” pagbabahagi ni Duterte.
“But para sa akin lang ha, he looks good na payat siya kesa ‘yung malaki ang tiyan, tapos parang unhealthy tingnan, parang nakakatakot para sa kanyang heart. I like him this way, medyo slim,” dagdag pa.
Nauunawaan aniya ng kanyang pamilya ang pag-aalala ng mga tagasuporta ngunit siniguro na ang pagbawas ng timbang ng dating Pangulo ay dahil sa kawalan nito ng gana kumain.

21/07/2025

EX-SOLDIER NAMARIL, TIKLO
https://youtube.com/shorts/8BuEKSzKy84?si=IPJQrxPmye3H3wRu

ARESTADO ang isang retiradong sundalo matapos pagtripan at pagbabarilin ang tatlong kelot, kabilang ang dalawang estudyante sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth, alas-6:30 ng gabi, kumakain ang mga biktimang sina alyas “DJ”, 20, out-of-school youth, alyas “Zenri”, 20, estudyante at alyas “Mark”, 19, estudyante, pawang residente ng Brgy. 8, sa Sinilyasi Street, nang dumaan ang suspek na si alyas “Juanito”, 59, retired Marines, at kanyang kasama.
Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang suspek at nilapitan ang mga biktima saka nagtanong “Adik ba kayo?” bago naglabas ng baril at ilang beses na nagpaputok patungo sa kanilang direksyon.
Dahil sa takot, nagtakbuhan sa magkakaibang direskyon ang mga biktima saka nagtago para sa kanilang kaligtasan habang tumakas naman ang suspek patungo sa kanilang bahay sa nasabi ring barangay.
Sa isinagawa namang follow-up operation ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Capt. Zoilo Lopez, katuwang ang SWAT team sa pamumuno ni P/Capt. Mark Son Almeranes ay matagumpay na naaresto ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang ginamit na isang ARMSCOR caliber .45 pistol na may isang magazine na kargado ng isang bala at isang basyo ng bala saka siya dinala sa himpilan ng pulisya para sampahan ng kaukulang kaso. (RPanizal)

21/07/2025

BILYONES : PACQUIAO, BARRIOS REMATCH
https://youtube.com/shorts/u8gOocCw6N8?si=-3Uyc_3S4xFqFycJ

MAGRE-REMATCH. Hindi nagawa ni WBC Welterweight king Mario Barrios na talunin ang 46-anyos na 8-division champion na si Manny Pacquiao kung saan kapwa nagwagi sa undercard ang dalawang Filipino fighters na nasa ilalim ng MP Promotions.
Nagwakas ang pinakahihintay na pagbabalik ni Pacquiao sa ring laban kay Barrios sa isang majority draw sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Bukas ang parehong kampo sa rematch, at sinabi ni Pacquiao na naniniwala siyang sapat ang kanyang ipinakita para manalo.
Pinaniniwalaang tatabo si Pacquiao ng multi-bilyong pisong ganansiya sa naturang laban at madodoble pa ito sakaling matuloy ang rematch dili kaya’t sumabak sa iba pang popular na boksingero sa daigdig.

20/07/2025

ISRAEL VS TURKEY
https://youtube.com/shorts/fKmhKkEQgvo?si=N8f5X4oQtcQaZYCs

HINDI i pa idinedeklarang digmaan ng Turkey laban sa Israel, ngunit matitindi na ang mga pahayag ni Pangulong Erdoğan na nagbabanta ng posibleng aksyong militar.
Noong Hulyo 2024, sinabi ni Erdoğan na maaaring makialam militarily ang Turkey sa giyera ng Israel sa Gaza—gaya ng ginawa sa Karabakh at Libya.
“Tulad ng pagpasok natin sa Karabakh, tulad ng pagpasok natin sa Libya, maaaring gawin din natin ito sa kanila. Wala tayong hindi kayang gawin,” aniya.
Binansagan ng Foreign Minister ng Israel si Erdoğan na parang si Saddam Hussein, habang ikinumpara ng Turkey si Netanyahu kay Hi**er. Bagamat matindi ang bangayan, wala pang pormal na deklarasyon ng digmaan.
Pinutol na ng Turkey ang kalakalan sa Israel at binawi ang ambassador nito. Gayunpaman, may embahada pa rin sa magkabilang bansa at wala pang aktwal na sagupaan.
Ang matatalim na pahayag ni Erdoğan ay maaaring para sa lokal at panrehiyong audience upang ipakita ang suporta sa mga Palestino. Ngunit bilang miyembro ng NATO, malaking epekto sa mundo

20/07/2025

BILYONES :PACQUIAO, BARRIOS REREMATCH
https://youtube.com/shorts/TEi6I3hFbdc?si=5NZlFG-JkRUe6Nqa

MAGRE-REMATCH. Hindi nagawa ni WBC Welterweight king Mario Barrios na talunin ang 46-anyos na 8-division champion na si Manny Pacquiao kung saan kapwa nagwagi sa undercard ang dalawang Filipino fighters na nasa ilalim ng MP Promotions.
Nagwakas ang pinakahihintay na pagbabalik ni Pacquiao sa ring laban kay Barrios sa isang majority draw sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Sa edad na 46 at mula sa apat na taong pagreretiro, ipinakita ni Pacquiao ang mga sulyap ng kanyang dating lakas, pero nakarekober si Barrios.
Bukas ang parehong kampo sa rematch, at sinabi ni Pacquiao na naniniwala siyang sapat ang kanyang ipinakita para manalo.
Pinaniniwalaang tatabo si Pacquiao ng multi-bilyong pisong ganansiya sa naturang laban at madodoble pa ito sakaling matuloy ang rematch dili kaya’t sumabak sa iba pang popular na boksingero sa daigdig.

20/07/2025

MARCIAL WAGI, KANO BAGSAK
https://youtube.com/shorts/H5cGQXl-qvU?si=LlbX0HJGXdSMFENo

PINABAGSAK ni Eumir Marcial si Bernard Joseph sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, bilang bahagi ng undercard sa Pacquiao vs. Barrios fight card.
Si Marcial ay nanalo sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) sa ikatlong round — sa oras na 1:55 ng Round 3.
Simula pa lang ng ikalawang round ay tinamaan na si Joseph ng mga malalakas na suntok sa katawan at kombinasyon. Isang matinding kaliwang suntok ang tuluyang nagpahinto sa laban.
Sa panalong ito, umangat ang pro record ni Marcial sa 6 panalo, walang talo, at may 4 knockouts.
Si Joseph, na naging late replacement, ay may record na ngayon na 11 panalo, 3 talo, 1 tabla (5 KOs).
Nagpakita si Marcial ng bangis at husay, kaya naging mainit ang simula ng event bago ang laban nina Pacquiao at Barrios.

19/07/2025

P50 SALARY INCREASE EPEKTIBO NA
https://youtube.com/shorts/kbjhX-g195Q?si=NC_00g6dh0EMXs51

Epektibo na ang ₱50 Dagdag-Sahod sa Metro Manila ngayong Hulyo 18.
Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na ngayong Biyernes, Hulyo 18, ay opisyal nang ipinatutupad ang ₱50 dagdag sa arawang minimum wage sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa DOLE sa isang Facebook post:
“Simula ngayong araw, 18 Hulyo 2025, ang mga minimum wage earner sa NCR ay makakatanggap ng ₱50 dagdag-sahod kada araw sa ilalim ng Wage Order No. NCR-26—na nagtataas ng minimum wage sa ₱695 para sa non-agriculture sector at ₱658 para sa sektor ng agrikultura, retail/service, at maliliit na pabrika.”
Para sa mga may limang araw na trabaho kada linggo: tinatayang ₱1,100 dagdag kita kada buwan.
Para sa mga may anim na araw na trabaho kada linggo: tinatayang ₱1,300 dagdag kita kada buwan.
Ayon sa DOLE, ang bagong sahod ay magbibigay ng buwanang take-home pay na nasa pagitan ng ₱15,247 hanggang ₱18,216, depende sa bilang ng araw ng trabaho kada linggo.
Malugod ang pagtanggap sa dagdag, ngunit iginiit na hindi pa rin ito sapat upang matugunan ang tunay na “living wage.”

18/07/2025

IMPEACHMENT:SENADO SA KORTE SUPREMA, NO-INFO
https://youtube.com/shorts/yl5Dy9jcz6o?si=5A7O-6PsSoE5xkfy

AMINADO ang Senado na walasilang sapat na impormasyon o detalye para masgot ng maayos ang atas ng Korte Suprema kaugnay sa impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte, bagkus ito ay nakalalaysa kamay ng Kamara ng mga Representante.
Noong Hulyo 8, 2025, inutusan ng Korte Suprema ang Senado at Kamara na magpaliwanag ukol sa mga reklamo ng impeachment laban kay VP Sara Duterte.
Nagpasa ang Senado ng isang Manifestation Ad Cautelam, na nangangahulugang pagtalima ngunit may pag-iingat.
Sinabi ng Senado na kulang ang kaalaman nito sa mga detalye ng unang tatlong reklamo ng impeachment na isinampa sa Kamara.
Iginiit ng Senado na ang karamihan sa mga tanong ng Korte Suprema ay mas nararapat sagutin ng Kamara.
Kabilang ditto ang petsa ng pagsampa at pag-endorso ng mga reklamo.
Kung ano ang papel ng House Secretary General sa pagproseso ng mga dokumento.
Pagbuo at pamamahagi ng Articles of Impeachment.
Kung nabigyan ba ng pagkakataon si VP Duterte na magpaliwanag.
Hiniling ng Korte Suprema ang paliwanag ukol sa status at timeline ng apat na reklamo ng impeachment.
Posibleng paglabag sa one-year bar rule ng Konstitusyon.

17/07/2025

RUSSIA VS UKRAINE : TRUMP NAG-ULTIMATUM KAY PUTIN
https://youtube.com/shorts/XL7ebiluDBA?si=hCzKjVm3aLPbgV9T


ULTIMATUM para sa Kapayapaan.
Ganyan inilalarawan ng international media ang 50-day taning na ibinigay ni US President Donald Trump kay Vladimir Putin ng Russia upang tanggapin ang inilatag na ceasefire katapat ng Ukraine.
Noong Hulyo 14, 2025, naglabas ng babala si Pangulong Donald Trump na dapat magkasundo ang Russia sa isang ceasefire sa loob ng 50 araw, kung hindi ay: Magpapataw ang U.S. ng 100% taripa sa lahat ng import mula Russia.
Magkakaroon ng secondary sanctions sa mga bansang nakikipagkalakalan sa Russia, gaya ng India, China, Brazil, at Türkey.
Inihayag ni Trump na siya ay “nadismaya” kay Putin pero hindi pa tapos ang kanilang ugnayan.
Sinabi niyang nasa panig siya ng sangkatauhan, layuning itigil ang patayan sa Ukraine.
Binatikos ng ilan ang ultimatum dahil maaari raw itong magbigay ng panahon sa Russia upang palakasin ang kanilang opensiba ngayong tag-init.
Inaprubahan ni Trump ang bagong ayuda sa armas para sa Ukraine, kabilang ang:
Patriot missile systems; at mga makabagong kagamitan mula sa U.S., pinondohan ng mga kaalyado sa NATO sa Europa.

Address

Bocaue

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAKTO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SAKTO:

Share