16/05/2025
"Yung Tipong Wala Nang Lambing,
Pero Nandyan Ka Pa Rin"
Hindi lahat ng mag-asawa,
araw-araw ay masaya.
Dumarating din yung panahong parang may pagitan, na hindi na kayo magkaintindihan, na hindi na tulad
ng dati ang pakikitunguhan.
Wala nang lambing, wala nang sweet na “ingat ka”
o “kumain ka na ba?” Minsan, parang kasama mo
lang siya sa bahay pero hindi mo na maramdaman kung mahal ka pa ba niya.
Pero kahit ganun, nananatili ka.
Kasi alam mong ang pag-aasawa,
hindi lang puro kilig. Hindi lang siya puro saya, tawanan, o yakap. Kailangan din ng paninindigan. Kapag humupa na ang damdamin, dapat paninindigan na ang natitira. Kapag wala nang kilig, commitment na ang kailangan.
Hindi mo pinipilit bumalik sa dati.
Pero pinipili mong manatili dahil umaasa ka pa rin
na balang araw, mararamdaman mo ulit ang lambing. Hindi sa mga salita, kundi sa mga simpleng bagay
sa pag-abot ng plato, sa pagligpit ng gamit mo, sa mga “nandito lang ako” kahit hindi na laging sinasabi.
At yun ang tunay na sakripisyo
yung mananatili ka hindi dahil sa nararamdaman mo, kundi dahil pinili mong mahalin kahit mahirap.