23/07/2025
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐃𝐀𝐃
Amang Makapangyarihan,
nilikha at nilagyan mo ng kaayusan
ang mundong walang hugis sa simula.
Nang naharap sa malakas na unos sa dagat sa
Galilea si Hesus at ang mga alagad, inutusan lamang niya itong huminto.
Ang dagat ay napayapa at ang mga alagad ay napanatag.
Ngayong kami'y nahaharap sa kalamidad,
dasal nami'y ipagsanggalang kami sa hagupit nito at pinsala, bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa sangkalupaan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay lyong iligtas.
𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐨𝐮𝐫𝐬, 𝐈𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢.
𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐃𝐞 𝐀𝐥𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐫𝐚, 𝐈𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢.
𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐬 𝐊𝐢𝐦 𝐓𝐚𝐞-𝐆𝐨𝐧, 𝐈𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢.
𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐫𝐮𝐬 𝐬𝐚 𝐖𝐚𝐰𝐚, 𝐌𝐚𝐚𝐰𝐚 𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧.
𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐨 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐜𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨, 𝐌𝐚𝐚𝐰𝐚 𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧.
Martinians, patuloy tayong mag-dasal para sa kaligtasan ng bawat isa laban sa banta ng masamang panahon.
Photo Copyright and Source: The Roman Catholic Diocese of Malolos - Ang Sandigan