17/09/2026
TINGNAN: SUSPEK SA DROGA NA SI ALAYAS "CHUKOY", ARESTADO SA BUY-BUST SA SJDM; ₱108,800
HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA
Inaresto ng mga awtoridad ang isang tulak.umano ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Kaypian, Setyembre 17, 2026 ng gabi.
Kinilala ang Drug Suspect na si alyas "Chukoy", 24 anyos, , at nakatira nasabing barangay.
Pinangunahan ni PLT Joven M. Bartolome ang operasyon ng PNPD-SO3 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Nelson M. Sardin, kasama ang Koordinasyon ng PDEA RO3.
Sa isinagawang paghahanap, nakumpiska sa kanya ang kabuuang humigit-kumulang 16 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang ₱108,800. Kasama ring nakuha ang minarkahang pera, isang android na telepono, at puting sobre.
Ipinaliwanag sa suspek ang kanyang mga karapatang ayon sa Saligang Batas. Isinagawa ang pagtatala at pagmamarka sa mga ebidensya sa harap ng mga kinatawan ng Kagawaran ng Hustisya at ng barangay, alinsunod sa Seksyon 21 ng R.A. 9165.
Dinala si Chukoy sa istasyon ng pulisya para sa pagkuha ng litrato at talaan, habang ang mga ebidensya ay isinumite sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri.
isasampa laban sa suspek ang kasong paglabag sa Batas Republika 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.