The Paulinian Press

The Paulinian Press The Paulinian Press is the official school publication and multimedia organization of St. Paul College of Bocaue, Inc.

“Di Naging (Tayo)” ng bandang Sleep AlleyMinsan sa buhay, may mga tao tayong nakakasalamuha na ipaparamdam sa atin ang l...
25/08/2026

“Di Naging (Tayo)” ng bandang Sleep Alley

Minsan sa buhay, may mga tao tayong nakakasalamuha na ipaparamdam sa atin ang lahat—mga emosyong hindi pa natin natutuklasan, mga pakiramdam na tila bago sa ating katauhan. Sa bawat paglapat ng mga mata, pagkakasalubong ng landas na tinatahak ng mga paa, banayad na haplos na tayo lamang ang nakadarama, at mga ngiting para lamang sa ating dalawa, tila patuloy na naghuhuramentado ang puso ko habang nagwawala naman ang mga paru-paro sa tiyan ko.

“Pero ‘di patas ang mundo, dahil hindi ako ang pinili mo.”

Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, mga kadahilanang hindi mahanap-hanap, hindi mahula-hulaan, nawala ang lahat. Hindi sa paraang engrande na pasasabugin ka sa gulat; hindi tulad ng isang bula na mawawala sa isang iglap. Kundi ito’y nawala sa paraang tahimik—hindi madaling mapansin subalit mapupuna sa bawat tapak pabalik. Kumbaga sa bawat tapak papuntang “tayo”, unti-unting lumihis ang kaniyang direksyon pabalik sa una—sa umpisa, nang hindi mo pa napapansin na mayroong ako.

Masakit, sapagkat noong nandiyan na ang pagkakataon, bakit parang pinagkaitan pa rin ako ng panahon?

Kahit naisin kong maulit ang mga nangyari, kahit mag-asam akong may pagkakataon pang muli, nakawawasak ng pag-asa ang makita kang iba na ang pinipili. At habang tumatagal ang pagmamasid ko, unti-unti ko ring napapansin ang mga bagay na hindi mo naibigay sa akin nang buo—atensyon, oras, at mga salitang makapagpapagaan dapat sa mga iniisip ko. Bakit parang sa kanya, kaya mo? Subalit, pagdating sa akin, parang kailangan ko pang sabihin para lamang makamit ko. Hindi ba’t karapat-dapat din naman ako? O sadyang hindi lang ako ang tunay na minamahal mo?

“At ang isang tulad ko ay ang dahilan kung bakit hindi naging tayo.”

Marahil ay nasa akin ang problema. Na ang dahilan ng iyong paglihis ay dahil sa mga problema kong hindi maalis-alis; mga paghihintay kong mahulaan mo ang aking problema, bigla na lamang magiging tahimik, mga pabalang na salita, mga aksyong umiiwas sa iyong mata—marahil ay ako nga talaga ang problema. Pero kung aking babalikan ang mga nangyari, hindi lamang dapat nasa akin ang sisi, bagkus ikaw rin ay may mga pagkakamali; pag-iwas sa aking presensya tuwing nagkakalapit, pag-uusap ay sa pamamagitan lamang ng pagpapadala ng mga mensahe, kulang sa inisyatibo at pagpupunyagi noong tayo’y hindi pa bati.

Napagtanto kong pareho tayong may mga pagkukulang sa isa’t isa. At maaaring hindi mo naabot ang mga inaasahan ko mula sa’yo, mga bagay na alam kong karapat-dapat kong matanggap, hindi kita lubusang masisisi kung ang puso mo’y iba na talaga ang pinipili.

Anuman ang nangyari, natutunan kong mahalin ang sarili ko higit pa sa tingin ng ibang tao. Dahil hindi dapat nasusukat ang aking halaga sa kung ano lang ang nakayanan mong ibigay sa akin. Ang sa akin lamang, huwag mo sanang masamain ang naging reaksyon ko sa nangyari, sadyang patuloy lamang ang hapdi at kirot ng iyong iniwan na sugat sa aking dibdib. Dahil sa mga oras na pinapantasya ko ang potensyal nating dalawa, sa ibang tao mo lang rin pala magagawa ang hinahangad ko para sa ating dalawa—pag-ibig ko man sayo ay totoo, nasa kanya pa rin ang dulo at kabuuan mo.

Kaya’t kahit ako pa pala ang unang nagmahal, sa huli ako pa rin ang talunan.

‘Di naging tayo, pero ikaw, merong kayo.

Baka nga hindi talaga patas ang mundo, lalo na sa mga katulad ko. Sapagkat kahit ilang beses ko pang hilingin na maging tayo, kung hindi ako ang pipiliin mo, ano pa ang silbi ng mga inaasam ko?

Ang bandang Sleep Alley ay nabuo noong 2017. Sa paglipas ng mga taon, kanilang nabuo ang kantang “Di Naging (Tayo)” na nagbigay-daan sa pag-usbong ng kasikatan ng banda. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, inanunsyo ng banda noong buwan ng Mayo 2026 ang pagpanaw ng kanilang bokalista at gitarista na si Aly Pagaduan. Kaya naman bilang respeto sa namayapang miyembro, ipinahayag din ng grupo ang kanilang desisyon na pagbuwag ng banda.

Sa pamamagitan ng kantang “Di Naging (Tayo)”, ipinaramdam at ipinaunawa sa akin ng Sleep Alley ang kalupitan ng mundo. Na kahit pa mauna ako sa laban ng pag-ibig, hindi ako kailanman magiging panalo kapag iba ang iniibig. Mahalaga para sa atin na maunawaan ang importansya ng pagiging kuntento—sa buhay at sa pagmamahal na bumubuo sa ating pagkatao. At bilang pag-alala sa kagandahan ng kanilang musika, atin ding tandaan ang aral nitong taglay at isabuhay sa tunay na buhay.

📝 Isinulat ni Madeline Jali-Jali
💻 Disenyo ni Macy Pasion

𝗜𝗸𝗮-𝟮𝟭 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 | 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗶 𝗡𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼Sa paggunita ng Ninoy Aquino Day tuwing Agosto 21, inaalala natin ang buhay at sa...
21/08/2026

𝗜𝗸𝗮-𝟮𝟭 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 | 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗶 𝗡𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼

Sa paggunita ng Ninoy Aquino Day tuwing Agosto 21, inaalala natin ang buhay at sakripisyo ni Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr., dating senador, mamamahayag, at pangunahing lider ng oposisyon noong panahon ng Batas Militar. Ipinanganak siya noong Nobyembre 27, 1932 sa lungsod ng Tarlac, at naging isa sa mga unang personalidad na inaresto matapos ideklara ang Batas Militar noong 1972. Matapos ang ilang taong pagkakakulong at pagkakatapon sa Estados Unidos, bumalik siya sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983. Sa kaniyang pagdating sa dating Manila International Airport, siya ay pinaslang sa edad na 50. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malawakang pagkilos ng mga Pilipino at naging bahagi ng mga kaganapang humantong sa People Power Revolution noong 1986.

Bilang pagkilala sa kaniyang pagpanaw at ambag sa kasaysayan ng bansa, idineklara sa ilalim ng Republic Act No. 9256 ang Agosto 21 ng bawat taon bilang “Ninoy Aquino Day,” isang special non-working holiday. Ngunit, higit pa sa isang araw na walang pasok o trabaho, nagsisilbi itong pagkakataon upang pag-aralan ang mga pangyayaring humubog sa demokrasya ng Pilipinas at alalahanin ang mga sakripisyong ginawa para sa kalayaan, karapatang pantao, at pagbabago.

Sa pag-unawa sa kasaysayan, napananatili natin ang alaala ni Ninoy Aquino at ang mga aral na maaari pa ring pagnilayan ng bawat Pilipino, lalo na ng mga kabataan.

📝 Isinulat ni Frances Margarette Reyes
💻 Disenyo ni Yarra Reyes

Muni-Muni 3“Ang Misyon ni Nathan sa Mundo ng Katalinuhang Artipisyal at Wikang Filipino”📝 Isinulat ni Kurt San Jose🎨 Igi...
20/08/2026

Muni-Muni 3

“Ang Misyon ni Nathan sa Mundo ng Katalinuhang Artipisyal at Wikang Filipino”

📝 Isinulat ni Kurt San Jose
🎨 Iginuhit ni Brianna Dela Cruz
💻 Disenyo ni Myrtelle Samson

Paths XI“Ang Gintong Liwanag”Habang dahan-dahang lumulubog ang araw at sumasalamin ang gintong kulay nito sa berdeng dag...
19/08/2026

Paths XI

“Ang Gintong Liwanag”

Habang dahan-dahang lumulubog ang araw at sumasalamin ang gintong kulay nito sa berdeng dagat; sa dalampasigan kung saan ako nakatayo, tila may mahabang daang unti-unting nabuo. Isang makinang na landas na tumatawid sa tubig, at kung saan nagtatagpo ang langit at dagat.

Tinitignan ko ang daang iyon at napapaisip. Sa buhay natin laging mayroong “narito”—kung saan tayo nakatayo, pumapalibot lamang sa mga bagay na tayo’y pamilyar. Ang mga taong komportable sa pakiramdam, pero ang damdamin ay may inaasam maabot. Ngunit laging mayroon ding “doon”—ang ating mga pangarap, ang mundo na naghihintay na ating matuklasan. Sa pagitan ng dalawa, ang daan ay ating lalakbayin.

Hindi man natin alam kung anong naghihintay sa kabilang panig. Ngunit ang liwanag na gumuguhit sa dagat ay paalala na hangga’t may pag-asa, laging may daan. Kung saan tayo ngayon nakatayo, papunta sa kung saan tayo patungo—laging may liwanag na magsisilbing gabay sa ano mang pagsubok ang ating haharapin.

📝 Isinulat ni Jessimae Santos
📸 Kuha ni Andi Malimban
💻 Disenyo ni Anya Miranda

Ang Alamat ng Bulkang MayonSa Bawat Pagsiklab, May Kuwentong NananatiliMaraming alamat ang ipinasa sa atin hindi lamang ...
18/08/2026

Ang Alamat ng Bulkang Mayon

Sa Bawat Pagsiklab, May Kuwentong Nananatili

Maraming alamat ang ipinasa sa atin hindi lamang upang ipaliwanag ang pinagmulan ng mga lugar, kundi upang alalahanin ang mga damdamin at pagpapahalagang bumuo sa ating pagkatao bilang Pilipino. Isa na rito ang Alamat ng Bulkang Mayon—isang salaysay na sa unang tingin ay umiikot lamang sa pag-ibig at trahedya, ngunit sa mas malalim na pag-unawa ay sumasalamin sa katapatan, sakripisyo, at paninindigan sa gitna ng mga pagsubok.

Noong unang panahon, sa lupain ng Albay, namuhay si Daragang Magayon, isang dalagang kilala sa kanyang kagandahan at kabutihan. Nakilala niya si Panganoron, at sa paglipas ng panahon ay nabuo ang kanilang pagmamahalan. Ngunit hindi naging madali ang kanilang pagsasama dahil sa kagustuhan ng ama ni Magayon na siya ay mapangasawa ni Pagtuga. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatiling tapat sina Magayon at Panganoron sa isa’t isa. Sa isang trahedyang naganap, tuluyang nagwakas ang kanilang buhay, ngunit nanatili ang kanilang pagmamahalan bilang alaala.

Sa lugar na pinaniniwalaang naging saksi sa kanilang kuwento, nabuo ang Bulkang Mayon—isang maringal na paalala ng pag-ibig, katapatan, sakripisyo, at mga kuwentong patuloy na ipinapasa sa bawat henerasyon.

Ang Bulkang Mayon ay nananatiling nakatindig sa Albay, tila tahimik na tagapag-ingat ng isang kuwentong hindi kumukupas sa paglipas ng panahon. Ang halos perpekto nitong hugis ay hindi lamang kagandahang tanawin; isa rin itong paalala na sa likod ng bawat kagandahan ay may mga sugat, pagluha, at mga pangyayaring humubog sa ating kasaysayan at panitikan. Sa ganitong paraan, nagiging tulay ang alamat sa pagitan ng imahinasyon at ng kulturang ating pinagyayaman.

Sa kasalukuyang panahon, kung saan mabilis mabura ang mga kuwento dahil sa agos ng teknolohiya at modernisasyon, mahalagang balikan ang mga alamat na minsang nagbigay-buhay sa ating mga pamayanan. Hindi lamang sila bahagi ng nakaraan—sila rin ay salamin ng mga pagpapahalagang dapat pa ring isabuhay: ang pag-ibig na marunong magsakripisyo, ang katapangang ipaglaban ang tama at ang paggalang sa ating pinagmulan.

Sa bawat pagtanaw natin sa Bulkang Mayon, hindi lamang isang bulkan ang ating nakikita. Nakikita natin ang isang kuwentong patuloy na humihinga sa kamalayan ng bawat Pilipino—isang paalala na ang ating panitikan ay hindi kailanman naluluma hangga't may mga pusong handang magbasa, umunawa, at ipasa ito sa susunod na salinlahi.

📝 Isinulat ni Anya Briones
💻 Disenyo ni Rallie Luistro

Muni-Muni 2“Ang Tagapag-ingat ng Huling Tinta”📝 Isinulat ni Precious Enciso🎨 Iginuhit ni Eliyah Kate De Francia💻 Disenyo...
13/08/2026

Muni-Muni 2

“Ang Tagapag-ingat ng Huling Tinta”

📝 Isinulat ni Precious Enciso
🎨 Iginuhit ni Eliyah Kate De Francia
💻 Disenyo ni Myk Aaron Caseres

Paths X“Himaton”Sa pagsilip ko’y may tanikalang unti-unting hinahagkan ng tubig,Bawat kawing ay may singsing na lihim sa...
12/08/2026

Paths X

“Himaton”

Sa pagsilip ko’y may tanikalang unti-unting hinahagkan ng tubig,
Bawat kawing ay may singsing na lihim sa gilid,
Nakabigkis sa kailaliman na hindi maarok ng paningin,
At sa bawat paglusong, may gunam-gunam namang muling sumibol sa atin.

Sa tuwing humahapay ito’y lumilitaw ang mga bilog na maraha,
Wari’y mga salitang dumadagitab sa labing hindi makapagsalita,
Mga alaalang inakalang nalunod na sa paglipas,
Ngunit marunong palang bumalik sa sandaling ang dako’y kumupas.

Sapagkat may mga bakas palang hindi natutunaw sa paglipas ng panahon,
Nagpapalit lamang ng anyo, ng hugis, ng palayaw, ng panahon;
Nagiging panglaw sa gawing salat sa sangkabilugan,
Nagiging hantungan sa mga bagay na hindi na maisambit sa kailanman.

At marahil, kaya may mga bagay na pinipili ang kailaliman,
Sapagkat may kabatirang higit na payapa sa karimlan;
May mga sagot na kusang lumilitaw sa kaimikan,
Kaya hinayaan kong manatili ang tanikala sa ilalim,
Habang ang mga dampi ng patak ay maalimpuyong naglalaho,
Hindi ko na hinintay na umahon ang tugon mula sa kadiliman.

Sapagkat may mga diwang hindi kailangang maiangat upang mabatid—
Minsan, ang pinakamalinaw na himaton
Ay yaong hindi kailanman umahon.

📝 Isinulat ni Joaquin De Guzman
📸 Kuha ni Marcus Simon
💻 Disenyo ni Claudia Guevara

“However near is still so far, it’s like you’re lightyears away from me.” — “Lightyears” by EraserheadsMay mga distansya...
11/08/2026

“However near is still so far, it’s like you’re lightyears away from me.” — “Lightyears” by Eraserheads

May mga distansyang hindi kayang sukatin ng mapa o anumang numero—tanging puso lamang ang nakaaalam.

Ang light-year o sinag-taon ay sukatan ng distansya o layo ng bawat bituin, planeta, at galaksiya sa kalawakan. Ngunit sa buhay, may mga taong isang hakbang lamang ang pagitan, ngunit tila milyun-milyong sinag-taon ang kailangang tahakin upang muli silang maramdaman. Tulad ng mga bituin, na parehong nagniningning—ngunit sa magkaibang bahagi ng langit.

Kahit abot-tanaw pa ng ating mga mata, may mga taong tila hindi na maabot ng ating mga puso. Magkatabi man, nagkakasalubong sa isang daan, o magkausap sa iisang pagkakataon—may mga distansyang hindi kahihinatnan ng kilometro. Nakapagtatakang isipin: maaari tayong magkalapit, ngunit magkahiwalay pa rin ng isang kalawakan.

Ang linyang “However near is still so far, it’s like you’re lightyears away from me,” ay nagmula sa kantang ‘Lightyears’ ng Eraserheads. Sa loob ng maraming dekada, nananatiling malaking bahagi ng musikang Pilipino ang bandang Eraserheads. Sila’y tanyag sa kanilang mga kantang puno ng emosyon at simbolismo, na siyang pumukaw sa puso’t isipan ng mga tagapakinig. Kabilang sa kanilang mga pinaka-tanyag na awitin ang “Ang Huling El Bimbo,” “Alapaap,” at “Minsan,” na hanggang ngayon ay patuloy na minamahal ng maraming Pilipino. Ang bandang Eraserheads ay patuloy pa ring hinahangaan at nagsisilbing inspirasyon ng nakararami, dahil sa kanilang ipinamalas na talento.

Ang “Lightyears” ay isa sa mga awitin ng Eraserheads nagpapakita kung paanong ang musika ay maaaring maging tulay sa mga damdaming mahirap ipaliwanag. May mga taong maaari nating makasama araw-araw, ngunit nananatiling malayo dahil sa bumabalot na katahimikang nagmula sa mga salitang hindi kailanman nasambit. Tulad ng mga bituin sa ating kalawakan na patuloy na naglalakbay at nagbibigay ng liwanag at pag-asa sa atin—kahit matagal na itong umalis sa kanilang pinanggalingan—ganoon din ang mga taong minsang nagbigay-liwanag sa ating buhay. Maaaring malayo na sila, ngunit ang kanilang maliwanag at mabuting gunita ay patuloy na umaabot pa rin sa atin.

Marahil, ang tunay na light-years o sinag-taon ay ‘di nasusukat sa lawak ng sansinukob, kundi sa samahan at pagkakaunawaan. Kahit tila ilang sinag-taon ang pagitan, may mga ugnayang hindi kailan man nawawala; patuloy lamang silang nagniningning sa katahimikan.

📝 Isinulat ni Euan Fajardo
💻 Disenyo ni Fiona Cabatuando

JUST IN: With grateful hearts for another success, the SPCB Kinaadman Debate Society has officially concluded in The Kam...
09/08/2026

JUST IN: With grateful hearts for another success, the SPCB Kinaadman Debate Society has officially concluded in The Kamalig Novice Asian Parliamentary Tournament.

SPCB A (Mischa Castro, Angelique Lalicon, and Sophia Rivera) proudly finished as pre-octofinalists in the Open Cup. They earned the titles for being the 20th Overall Best Team, 9th Best Schools Team, and 4th Best Luzon Team.

Furthermore, Angelique Lalicon was also recognized for being the 10th Best Luzon Speaker.

On top of that, SPCB B (Ace Merced, James Mendoza, and Dylan Navarro) completed as quarterfinalists in the Schools Cup. They were awarded for being the 28th Overall Best Team, 13th Best Schools Team, and 7th Best Luzon Team.

Congratulations, Paulinian debaters! You have truly showcased exceptional dedication and skills on what it means to speak with both meaning and purpose.

Members of the Kinaadman Debate Society triumphantly participated in The Kamalig Novice Asian Parliamentary Tournament y...
09/08/2026

Members of the Kinaadman Debate Society triumphantly participated in The Kamalig Novice Asian Parliamentary Tournament yesterday, August 8, 2026.

SPCB A, composed of Mischa Castro, Angelique Lalicon, and Sophia Rivera, successfully qualified in the Open Cup as they ranked 20th overall best team out of almost 120 teams and 360 debaters, earning a spot to compete against the top teams of the tournament.

Following this, SPCB B, consisting of Ace Merced, James Mendoza, and Dylan Navarro, achieved 2nd best team among other institutional debaters, battling against both high school and college students alike, in the Schools Cup.

Moreover, SPCB C, with Giada Santos, Keighlah Lemanzares, and Marixi Lalicon, also showcased determination and exceptional performance in the debate tournament.

As the teams SPCB A and SPCB B advance, they remain confident and determined to continue exemplifying strategic argumentation and striving for excellence.

Congratulations and good luck, Paulinian debaters!

Address

Bocaue
3018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Paulinian Press posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Paulinian Press:

Shortcuts

Share