08/05/2021
ALAMINOS CITY, NAKATANGGAP NG POST HARVEST MATERIALS MULA SA BFAR
NAKATANGGAP ang pamahalaang lungsod ng Alaminos, Pangasinan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ng post harvest materials para sa itatayong fish processing facility sa lungsod. Parte ang nasabing programa ng Bayanihan II. Dahil dito, labis na nagpapasalamat ang pamahalaang lungsod ng Alaminos sa BFAR sa pagpili sa kanila bilang benepisyaryo ng mga nasabing produkto na makakatulong sa lokal na industriya ng pangingisda. Bukod rito, nagsagawa ang BFAR ng awarding ceremony sa pagsasanay ng kanilang idinaos na aktibidad patungkol sa Bangus Deboning and Value Adding, Good Manufacturing Practices/Sanitation Standard Operating Procedure.
Source: City of Alaminos Pangasinan (Facebook)