08/09/2026
Panginoon,
Salamat sa bagong umaga.
Salamat sa hininga, sa paggising, sa isa pang pagkakataon.
Sa araw na ito, bigyan Mo po ako ng lakas kung saan ako nanghihina,
linaw kung saan ako nalilito,
at kapayapaan sa puso kahit magulo ang paligid.
Gabayan Mo ang mga kamay ko sa trabaho,
ang bibig ko sa bawat salita,
at ang puso ko sa bawat desisyon.
Ilayo Mo sa kapahamakan ang pamilya ko,
at ipaalala Mong hindi ako nag-iisa.
Amen