06/02/2026
One Night Stand with My Neighbor
Chapter 4
Bella's POV
Maaga akong unalis sa bahay nila Martina inaantok pa si Martina nung hinatid niya ako sa gate ng kanilang mansion."Ang aga mo naman umalis frindship nagbilin pa naman ako kay Manang na magluto ng masarap na breakfast hindi ka naman pala dito mag uumagahan" Pasensya kana Friend kailangan kong umalis ng maaga at tinawagan ako ni kuya na magkita daw kami sa condo niya para sunduin sila mommy sa airport bali 5:00 am daw ang arrival kaya kailangan umalis kami dito ng maaga" naka 1 week na nga pala sila mommy sa switzerland at ngyun ang uwi nila sigurado nag enjoy sila ni Daddy ng sobra.
Pagka dating sa building ng condo ni kuya ay hindi na ako pumasok sa unit niya at naghintay na lamang ako kay kuya dito sa parking lot. Hindi pa nagtatagal ay nakita ko na agad si kuya na papalapit sa sasakyan ko, Lumipat kami sa sasakyan ni kuya at yun na lang daw ang sasakyan namin at ipapakuha na lamang daw niya ang sasakyan ko sa tao niya at ipapahatid niya sa opisina ko, pumayag na lang ako ng hindi na ako mapagod mag drive total medyo may hang-over pa ako sa paglalasing ko kagabi.
Habang nasa daan kami sinesermunan ako ni kuya at muka daw akong kulang sa tulog. "Bella inuuna mo pa yata ang pag lalasing kaysa sa pagpapahinga muka kang multo ngyun sa itsura mo, latang lata ka at mukang kulang sa tulog" "Hayaan mo kuya matutulog ako sa opisina ko maghapon pagka sundo natin kay kila Mommy." sinamaan lang ako ng tingin ni kuya. Habang nasa biyahe kami biglang tumunog ang cellphone ko may nag chat sa gc namin.
Walwal girls:
Aubrey: Goodmorning mga frienship kong magata
Martina: Ang aga aga naman Aub. inaantok pa ako at maaga umuwi si Bella may lakad ang bruha kasama ang hot niyang kuya.
Me: Hoy Martina pinagnanasaan mo nanaman si kuya.......
Abby: Whats up sakit ng ulo ko na over nanaman tayo sa inom.
Martina: Hoy Bella matagal ko ng pinag nanasaan yung kuya mo. laglag panty kaya ako dun. head over heals baga..Pansinin lang ako nun papawasak ako dun.
Aubrey: Ka aga aga ang bastos mo Martina.
Martina: Nagsalita naman si Mama Mary na akala mo walang libog sa katawan.
Aubrey: Nga pala birthday ko na next week wag kayong mawawala lahat bawal umabsent at magbabakasyon tayo sa isla namin..
Nagreply kmi lahat kay Aubrey ng OK at itinago ko na yung cellphone ko at andito na kami ni kuya sa airport.
Nakaka ilang minuto pa lang kami nakita ko na agad si Mommy at Daddy agad ko silang sinalubong at niyakap. Namiss ko sila sobra parang isang taon kami di nagkita. Hinalikan ako ni Mommy sa pisngi at ganun din si kuya. Ginulo naman ni Daddy ang buhok ko tanda ng paglalambing niya sa akin. Kahit malalaki na kami ay parang Baby parin kami sa parents namin.
Sinakay na ni kuya sa likod ng compartment ang mga gamit nila mommy at umalis na kami. Habang sa daan ay nagkwekwento si Mommy ng mga pinuntahan nila. Ang sweet sweet nila tignan ni Daddy kaya nakakaingit sila, sana makahanap din ako ng pagmamahal ng katulad ng sa parents ko.
Ibinababa na ako nila mommy sa opisina ko at sila
naman ay dumretso na pauwi para makapag pahinga. Naabutan ko ang secretary ko na nag aayos ng mga gamit sa table niya. Nagbilin ako sa kanya na walang mang iistorbo sa akin at magpapahinga muna ako sa kwarto sa opisina ko. gisingin na lamang ako mamayang alas tres para sa meeting ko. Sumang ayon naman ang sekretarya ko kaya dumiretso na ako sa silid kung saan ako matutulog.
Naalimpungatan pa ako ng gisingin ako ni Emma, ready na raw ang conference room at nagsisidatingan na din daw ang mga ka meeting ko.Pinauna ko na si Emma para maiayos na ang mga gagamitin sa presentation habang ako ay mag aayos lang ng aking sarili bago lumabas.
Pinindot ko ang botton ng elevator at hinintay ko itong bumukas, nakapasok na ako sa loob ng may humabol na isa pang sakay, Si Charles tahimik siyang pumasok sa loob naka pamulsa pa ang kanyang mga k**ay sa suot niya slack. Pinindot ko na ang 10th floor kasi andun ang conference room, Tahimik lang kaming dalawa ng magsalita siya. “Pasensya ka na sa mga nasabi ko sa yo nung nakaraan nadala lang ako ng inis ko” Ok na yun hindi na mababawi ang mga nasabi na, Aminin mo na naakit ka sa akin nung gabing yun kaya ka nakapag salita ng ganun, wala kayang makatatanggi sa kagandahan ko. Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. “Ang lakas naman tingin mo sa sarile mo, hindi lahat ng lalake nagkakandarapa sayo ibahin mo ako, Kahit mag hubad kapa sa harap ko hinding hindi kita papatulan baka nga hindi pa ako tigasan sayo, hindi ang katulad mo ang tataniman ko ng semilya ko” Grabe ka naman mag salita baka kainin mo yang sinasabi mo.”Asa ka” at bumukas na ang elevator hudyat na andito na kami sa floor kung nasaan ang conference room.
Nagdidiscuss ako sa mga bagong plano ng kompanya pati ang bagong ilalaunch na project at ang target marketing at kung magkano ang magagastos at ang kikitain dito, pero nadidistract ako sa ginagawa ng dalawa sa harap ko si Charles at si Queen abot ang bulungan nila para silang mag jowang naglalambingan sa harap ko. Sa iba na lang ako tumingin para diko sila makita. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita ko sang ayon silang lahat sa mga sinabi impress na impress sa akin ang lahat pati si Charles ay pumapalakpak din. Mahilig ako mag party at walwal pero pagdating sa trabaho seryoso ako, hindi ko ito pinababayaan kahit lasinggera pa ako. Kaya hindi ako pinapakailaman ng parents ko kahit anong gawin ko kasi alam nila pag dating sa business ay maasahan at magaling ako.
Naglabasan na ang mga ka meeting ko huling lumabas si Charles at si Queen narinig ko pa na niyaya siya ni Charles na mag dinner sa labas pumayag naman si Queen magkaholding hands pa sila ng sumakay sa elevator, nagmadali ako para maabutan ko sila at makasabay. Ang sweet sweet nila sa isat isa nakakairita. “Alam mo naman Queen na matagal na kitan gusto” aba parang sinasadya pang iparinig sa akin “Alam ko naman yun Charles” sagot ni Queen. “Hindi na ako makapag hintay na maging akin ka” si Charles “Dadating din tayo diyan”sagot ni Queen. Sumabat ako sa usapan nila, Baka kaya dika pa sinasagot ni Queen dahil hindi ka magaling sa k**a at maliit ang kargada mo nginuso ko pa ang nguso ko sa gawi ng ari niya. Namumula sa galit si Charles, bago pa makapag salita si Charles ay bumukas na elevator at nagmamadali akong lumabas. Subalit nahabol niya ako at pinagbantaan. Pagbabayaran mo lahat ng sinabi mo sa akin at papatunayan ko sayo na nagkak**ali ka sa mga bintang mo sa akin.
Agad siyang naglakad paalis at hawak hawak niya sa k**ay si Queen.
Sumigaw pa ako “ Hoy Joke lang naman yun di kana mabiro ang seryoso mo” Pero tuloy tuloy na siya sa paglalakad at di na muli pang lumingon.