Kulasang GALA

Kulasang GALA YOLO

Totoo palahindi ka sa tao napapagod,kundi sa sakitna lagi nilang ipinadadama.Kahit gaano mo sila kamahal,kapag pabalik-b...
31/08/2025

Totoo pala
hindi ka sa tao napapagod,
kundi sa sakit
na lagi nilang ipinadadama.

Kahit gaano mo sila kamahal,
kapag pabalik-balik ang dahilan ng luha,
darating ang oras
na ikaw na mismo ang lalayo.

Hindi ibig sabihin
na nawala ang pag-ibig,
o naging mababaw ang nadama.
Minsan, kahit puno ng pagmamahal,
napapagod din ang puso.

At sa pagod na ‘yan,
natututo kang bumitaw
hindi dahil ayaw mo na,
kundi dahil sawa ka na
sa sugat na paulit-ulit lang
na tila hindi na nagbabago.

15/08/2025

Mapunta ka sana sa taong ikaw ay makakabisado.

Kung paano ka patahanin sa tuwing dinadalaw ka ng matinding bagabag. Nauunawaan ang tahimik mong pag-iyak. Kaya kang damayan sa panahong mahirap, at magpupumilit kahit pumipiglas ka sa pagyakap.

Mapunta ka sana sa taong pinapahalagaan ang lahat sa iyo. Mga bagay na hindi pinahahalagahan ng mga tao. Nauunawaan ang mga mata mo, at kahit 'di magsalita, kahit 'di ka lumuha—alam niya ang lahat mong takot , pangamba at haka.

Mapunta ka sana sa taong nakikilala ang puso mo. At kailanman ay hindi mag-iisip na pagtaksilan ito. Pagkat banayad at totoo— ang pag-ibig na hinintay, pinagtiyagaan, pinagpanata't , pinuhunanan.

Doon sana ang maging katapusan ng iyong kwento.
Ang mapunta ka sa tamang tao, tama para sa'yo.

20/05/2025
Sa huli, tayo pa rin ang lalabas na masamasa mata ng mundo, sa kwento ng iba,kahit tayo ang unang umiwas sa gulo,kahit t...
17/05/2025

Sa huli, tayo pa rin ang lalabas na masama
sa mata ng mundo, sa kwento ng iba,
kahit tayo ang unang umiwas sa gulo,
kahit tayo ang unang umintindi nang buo.

At ganyan ang hustisya ng mundo.
Ang mas maingay, mas kapanipaniwala.
Ang marunong magpanggap, mas pinaniniwalaan.
At tayo, kahit tayong totoo,
tayo pa rin ang lalabas na masama.

Pero ayos lang.
Dahil hindi natin kailangan ng palakpak
kung ang katahimikan natin ay kapayapaan.

Let Them GoIf someone wants to leave your life, let them go. If someone chooses another person over you despite receivin...
04/05/2025

Let Them Go

If someone wants to leave your life, let them go. If someone chooses another person over you despite receiving all your love, let them be. Allow them to live their life as they wish.

If someone creates distance in a beautiful relationship without reason, let them go. Prioritizing someone who never considered you a priority is foolishness. Distance in a relationship is also a form of disrespect.

If someone can go days, months, or even longer without speaking to you, let them be. They never truly realized your importance.

If someone doesn’t miss your presence, if they can live without seeing you, let them stay where they are. Love cannot be one-sided. Holding on to someone who has withdrawn from you only leads to self-humiliation.

At the end of the day, the undeniable truth is: you cannot hold onto anyone forever. Everything in life is temporary.

You were born alone, you have fought your biggest battles alone, and one day, you will leave this world alone. So choose wisely. If someone prioritizes another over you, then to them, you are nothing more than a part of their past.

Holding onto someone who never chose you is self-deception. The past is an illusion—memories are merely experiences and lessons. So, don’t look back. There is nothing left behind. Life is yours alone, and you must walk your path by yourself.

04/05/2025

Nung siniraan mo ba ko napalitadahan ba non pader nyo sa bahay? Hindi naman diba.

02/04/2025

Hindi lahat maiintindihan ka.
Hindi lahat mapa proud sayo.
Pero wag na wag mo iiwan ang sarili mo.

02/04/2025

Kung lahat, may sumbat,
mas mabuting wag na lang.

Minsan, masakit isipin na may mga taong handang tumulong, pero kapag dumating ang panahon ng di pagkakaintindihan, bigla nilang isusumbat ang lahat ng ginawa nila.

Parang nawawala ang tunay na diwa ng pagtulong dahil sa mga salita na ginagawang pabor ang mga bagay na minsang ibinigay nang kusa. Ayokong maramdaman na ang bawat tulong na natatanggap ko ay may kapalit na sumbat sa dulo.

Kung gagawin mo sana akong tulungan, gawin mo ito nang may pagmamahal, hindi dahil kailangan mo ng dahilan para ipaalala kung gaano ka kalaki sa buhay ko.

Sa totoo lang, mas mabuting walang tulong kung ang bawat kabutihan ay laging ipapaalala pagdating ng alitan. Hindi ba't ang tunay na pagtulong ay kusang-loob at walang hinihintay na kapalit? Kaya’t sana, kapag tumulong ka, wag mong gawing batayan ng pagkakaibigan o relasyon ang mga bagay na ginawa mo.

Hindi sukatan ng malasakit ang kung gaano karaming beses mo akong tinulungan, kundi kung paano mo ito ginawa nang walang hinihinging kapalit. Mas masarap sa pakiramdam ang tulong na mula sa puso, kaysa sa tulong na isusumbat sa huli.

Celebrating my 1st year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉
31/03/2025

Celebrating my 1st year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

Totoo yung I can love u to death and never speak to u again.Lahat ng tao napapagod, nauubos. Especially sa mga babaeng k...
31/03/2025

Totoo yung I can love u to death and never speak to u again.

Lahat ng tao napapagod, nauubos. Especially sa mga babaeng katulad ko na will do anything just to make it work, kahit ang kapalit non ay ang magmukha kaming kawawa.

Maybe a lot of people may ask, bakit kung kailang ubos kana at nagawa mo na lahat para maayos tsaka mo naisipang sumuko? hindi din namin alam ang eksaktong paliwanag, basta napuno kami sa pinapakita ng tao na para bang hindi worth it lahat ng ginagawa namin, lahat naman ng tao may hangganan, kaya you have to value their presence habang nakikita mo pa sila sa paligid mo.

Sad thing about love, tsaka lang nila marerealize ang halaga mo kapag pagod kana, kapag wala ka ng natitirang pagmamahal, at kapag sumuko kana.

And the truth is, kapag nagawa mo na lahat, isang araw magigising ka hindi mo na hinahanap yung taong yon. "Hindi mo na mahal".

22/02/2025

Sa bawat pasensya ko, ako na pala yung nauubos.

Address

Sinipit
Bongabon
3128

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kulasang GALA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share