SAF 105th Special Action Company, 10SAB

SAF 105th Special Action Company, 10SAB Public Service

16/12/2025

PNP, ITINAAS ANG RANGGO NG 10,379 PULIS SA SABAYANG OATH-TAKING AND DONNING OF RANKS

Isinagawa ng Philippine National Police (PNP) ngayong umaga, Disyembre 15, 2025, ang sabay-sabay na oath taking, donning, at pinning of ranks ng mga Second Level Uniformed Personnel sa buong bansa, bilang isa sa pinakamalalaking aktibidad ng promosyon sa ilalim ng Calendar Year 2025 Continuous and Regular Promotion Programs.

Kabuuang 10,379 na pulis ang na-promote sa mas mataas na ranggo sa buong bansa, na binubuo ng 556 Police Commissioned Officers at 9,823 Police Non-Commissioned Officers. Saklaw ng promosyon ang iba’t ibang ranggo ng opisyal at non-officer, na nagpapakita ng malawak na oportunidad sa pag-unlad ng karera sa loob ng organisasyon at muling pinagtitibay ang paninindigan ng PNP professional growth batay sa merit, performance, at length of service.

Kabilang sa mga Police Commissioned Officers na na-promote sa buong bansa ang 82 Police Majors na itinaas sa ranggong Police Lieutenant Colonel, 131 Police Captains na na-promote bilang Police Major, at 199 Police Lieutenants na itinaas sa ranggong Police Captain. Dagdag pa rito, 144 Police Executive Master Sergeants ang na-promote sa ranggong Police Lieutenant, na lalo pang nagpalakas sa hanay ng mga commissioned officers ng PNP.

Para naman sa hanay ng mga Police Non-Commissioned Officers, 166 Police Chief Master Sergeants ang na-promote bilang Police Executive Master Sergeant. Kabilang din sa mga promosyon ang 739 Police Senior Master Sergeants na itinaas sa ranggong Police Chief Master Sergeant, 353 Police Master Sergeants na na-promote bilang Police Senior Master Sergeant, 1,591 Police Staff Sergeants na itinaas sa ranggong Police Master Sergeant, 2,023 Police Corporals na na-promote bilang Police Staff Sergeant, at 4,951 Patrolmen at Patrolwomen na itinaas sa ranggong Police Corporal.

Isinagawa nang sabay-sabay ang mga oath-taking ceremony sa iba’t ibang Police Regional Offices sa buong bansa, bilang patunay ng pinagsama-sama at sabayang implementasyon ng promotion system ng PNP. Sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, ang oath-taking ng mga Crame-based personnel ay pinangunahan ni Acting Chief, PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Sa Camp Crame, kabuuang 712 pulis ang na-promote, na binubuo ng 64 Police Commissioned Officers at 648 Police Non-Commissioned Officers. Kabilang dito ang 16 Police Majors na itinaas sa ranggong Police Lieutenant Colonel, 33 Police Captains na na-promote bilang Police Major, at 15 Police Lieutenants na itinaas sa ranggong Police Captain. Na-promote rin ang 18 Police Executive Master Sergeants bilang Police Lieutenant at 15 Police Chief Master Sergeants bilang Police Executive Master Sergeant.

Dagdag pa rito, kabilang sa mga na-promote sa hanay ng Police Non-Commissioned Officers sa Camp Crame ang 27 Police Senior Master Sergeants na itinaas sa ranggong Police Chief Master Sergeant, 26 Police Master Sergeants na na-promote bilang Police Senior Master Sergeant, 39 Police Staff Sergeants na itinaas sa ranggong Police Master Sergeant, 29 Police Corporals na na-promote bilang Police Staff Sergeant, at 494 Patrolmen at Patrolwomen na itinaas sa ranggong Police Corporal.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni PLTGEN Nartatez ang mga bagong promote na pulis na ang ranggo ay may kaakibat na agarang pananagutan at masusing pagbabantay ng publiko. “When you wear your new rank, the public sees it immediately—how you speak to people, how you decide under pressure, and how you treat those with less power. This is how they decide whether to trust police officers,” ani ng Acting Chief.

Binigyang-diin din niya na ang tiwala ng publiko ay nakakamit sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na integridad at disiplina sa araw-araw na serbisyo. “Public trust depends on our daily behavior. One decision can protect that trust; one mistake can damage it. As you continue to grow in the service, protect your integrity. Do the right thing. Follow the rules, even when shortcuts may look easy. These simple actions are what build strong police officers,” dagdag niya.

Binigyang-diin pa ni PLTGEN Nartatez na ang promosyon ay hindi lamang karangalan kundi isang mas mabigat na pananagutan, at paalala sa tunay na layunin ng pagsusuot ng uniporme. “Tandaan ninyo kung bakit kayo nagsuot ng uniporme. Nandito kayo para maglingkod. Nandito kayo para magprotekta. Nandito kayo dahil may umaasa sa inyo,” aniya.

Dagdag pa niya, ang mas mataas na ranggo ay hindi pribilehiyo kundi obligasyon sa pamumuno. “Ang mas mataas na ranggo ay mas mataas na pananagutan. Hindi ito lisensya para mag-utos; ito ay obligasyon para manguna. Accountability comes before authority. Responsibility comes before privilege,” ani ng Acting Chief.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga pamilya ng mga pulis sa kanilang patuloy na suporta. “Kaya sa mga asawa, magulang, at mga anak, maraming maraming salamat. Ang promosyon nila ay tagumpay din ninyo,” aniya.

Tinapos ni PLTGEN Nartatez ang kanyang mensahe sa pagpapahayag ng pasasalamat sa mga promotion boards sa buong bansa sa kanilang sipag at propesyonalismo. “I wish to express my sincere appreciation to the promotion boards nationwide for their diligent efforts in ensuring a fair and transparent selection process. Your dedication to upholding the highest standards of excellence has ensured that only the most deserving individuals are promoted,” ani niya.

Muling pinagtitibay ng PNP na ang bawat promosyon ay hindi lamang pag-angat ng ranggo kundi isang panibagong panata ng integridad, pananagutan, at tapat na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

15/12/2025
15/12/2025
15/12/2025

Address

Bongabong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAF 105th Special Action Company, 10SAB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share