01/12/2025
Sobrang galing mo talaga Lord sa buhay ko, sa buhay namin π₯Ή Ganito mo bliness yung November namin. β€οΈβ€οΈβ€οΈ
Kahit kelan sa lahat ng situation, sa lahat ng hiling ko ang lakas lakas ko sayo.
Hindi ko makakalimutan yung sabi about sa pamilya namin isang kahig isang tuka lang mga magulang namin dati at ang sabi hindi na mababago ang sitwasyon na meron kami nuon kung hindi kami mananalo sa lotto. Lord sige nga Lord papanalunin mo na kami π₯Ήπ
Pero grabe oh in 1month ito na yung earnings sa buhay.
Ang feeling sosyal na babae na to dati pwede na sigurong mag sosyal-sosyalan ngayon ππ
π₯°
Hindi titigil sa pagrerebond at sisipagan pa gumawa ng mga videosβ€οΈ
Yung mga pangarap ko nung bata ako napaparanas na namin sa mga anak. Kung kami dati natutulog ng walang kuryente at tanging banig lang ngayon ang mga anak namin naka aircon at naka kutson na π₯Ή nakakain ang gusto nilang pagkain π₯Ή Grabe iniimagine ko lang nung bata ako, pero ngayon nararanasan na ng mga anak namin.
Ngayon ko narealize din na kahit pala magsipag kami nung mga bata kami tamad pa din kami kung titignan kase hindi pa namin kayang baguhin ang sitwasyon na meron kami nuon. Thank you Lord na hindi kelangan iplease ng mga anak ko ang mga nasa paligid nila para maapreciate kase we can provide.
Ngayon lagi ko nang naririnig na ang sipag sipag mo naman kase. Kaya deserve mo yan.Pero tamad pa din po talaga ako sa totoong buhay. Swerte ko lang talaga sa asawa ko na naapreciate nya mga ginagawa ko. Yung pag andito sha ang gawain ko dapat bilang asawa o bilang babae sha na ang gumagawa. Kaya amaze na amaze ako sa mga babaeng gigising ng maaga para mag asikaso ng pagluluto at mga anak at palalaba kase hindi ko na talaga yun nagagawa.
Naalala ko sabi ni mama na kelangan magtapos ng pag aaral para pwede ka kumuha ng katulong kaya pinilit ko magtapos kahit nagkaanak na ako habang nag aaral. Ang tingin pa nga sa magulang ko nun tanga-tanga kase nabuntis na nga ako na pinapag aral pinag aral pa din nila ako. Tapos after graduate hindi din nagturo, sayang lang ang pinampa aral. Sayang lang din na wala na si mama. Kase grabe ang pagka proud nun for sure. Pati na din pala si lola.
Lord malayo na po pero may mga hiling pako sayo at alam mo na yun. Sisipagan ko pa po. Hindi lang para sa sarili kong pamilya kundi para din po sa mga magulang at kapatid ko.π₯Ήππ»
Ito pa pag napunta ka pala talaga sa tamang partner at napapagkasunduan nyo yung mga plano ng bawat isa nagiging magaan talaga lahat β€οΈππ»π
Yung tingin ng iba maling tao kayo pero dahil pala kayo ang tama para sa isat-isa β€οΈ
Salamat talaga sa mga masasakit na salita nuon na narinig ko, salamat talaga sa pangdodown, salamat talaga at hindi ako makuntento, salamat talaga sa mga pambubully, salamat talaga sa hirap na mga naranasan namin nuon, salamat talaga sa pagdadamot, salamat talaga sa kung pano kami pagtawanan nuon, salamat sa mga paninisi, salamat sa mga tsismis π
Ngayon ano man mangyari kaya ko na siguro lahat.
Ang haba naman ng post na ito sa buhay hahahha.
Thank You so much Lord at sa papa namin na alam kong palaging nagdadasal para samin ππ»