16/04/2025
Upang ipagdiwang ang pagtatapos at pagsulong ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang ay isinagawa ang isang programa sa temang "Henerasyonng Pagkakaisa, Kaagapay sa Bagong Pilipinas" sa Sta. Fe National High School Gymnasium kung saan dinaluhan ito ng mga mag-aaral sa iba't-ibang strand, g**o, mga magulang, at mga panauhin na ginanap kahapon, Abril 15,2025.
Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Pambansang awit, panalangin, at pag-awit ng DepEd Hym na pinangunahan nina Bb. Jeanilyn Escoto at G. Ananias Lara bilang mga tagapagdaloy.
Sinundan naman ito ng isang talumpati mula sa isang mag-aaral na syang Salutatoryan ng batch upang magbigay ng pasimulang pagbati at pagbigay ng mensahe na si Kent Rogen Amos.
Nagbahagi naman ng kuwento ng karanasan at mga pinagdaanan sa buhay ang Guest Speaker na si G. Raymund Capacite kung saan dito ay nagpayo siya sa mga mag-aaral ang magandang pagplaplano para sa mga tatahakin sa buhay hanggang sa makamit ang tagumpay kung saan dito rin ginawaran sya ng isang parangal bilang guest speaker ng paaralan na sinundan rin ng pagawad sa mga mag-aaral ng diploma at medalya.
Emosyonal naman na ibinigay ng Valedictorian ng batch na si Nina Mae Pablo ang inspirasyonal na mensahe at pasasalamat sa mga g**o, kaklase, at sa kaniyang mga magulang.
Sabay-sabay namang inawit ng mga mag-aaral ang kanilang awit sa pagtatapos at awit para sa mga magulang kung saan dito ay ibinigay nila ang mga bulaklak para sa kanilang mahal sa buhay at emosyonal na pagyakap sa kanilang mga magulang.
Nagkaroon naman sa huli ng pagkuha ng larawan ng bawat strand kasama ang mga g**o at magulang upang mabuo ang selebrasyon ng pagtatapos nila ng pag-aaral sa SFNHS Supreme Secondary Learner Government
✍️ | Mary Grace Amos
📸 | Venice Asis