25/08/2026
๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐, ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐๐
Matagumpay na isinara ng St. Maryโs College of Borongan, Inc. ang pagdiriwang ng ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐ฉ ๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐ 2026, tampok ang makukulay na pagtatanghal na nagbigay-diin sa yaman ng kulturang Pilipino at sa pagkakaisa ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Sa pamamagitan ng wika, musika, sayaw, at ibaโt ibang anyo ng pagpapahayag, naging makabuluhan ang pagdiriwang ng kultura at pagkakaiba-iba.
Naging tampok ang Tradisyonal na Sayaw, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang makulay na tradisyon at kulturang Pilipino. Sinundan ito ng Creative Dance & Music Competition at Sabayang Awit, na nagbigay ng entablado sa bawat departamento upang ipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain sa musika. Tampok din ang ASEAN-inspired cultural booths, kung saan naipakita ang ibaโt ibang kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng mga bansa sa ASEAN sa malikhaing paraan. Sinundan ng Laro ng Lahi, pagtanghal ng mga parangal sa nanalo, at nagtapos sa boodle fight ng ibat ibang departamento.
Sa pagtatapos ng selebrasyon, napatunayan na ang kultura ay hindi lamang pagkakakilanlan, kundi tulay rin tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa mula Pilipinas hanggang ASEAN.
Mga larawan ni: Wella Bianca Triambulo | ๐ง๐ต๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฑ ๐ง๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฎ๐ฟ๐
Mga larawan ni: Marianne Ladera | ๐ง๐ต๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฑ ๐ง๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฎ๐ฟ๐