05/11/2025
๐๐๐๐๐ก๐-๐๐๐๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ-๐๐ถ๐ด๐ฎ! โค๏ธ๐ซ
๐ฑ๐ญ๐ฐ ๐๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ ๐ญ!
Ngayong araw, November 5, opisyal nang umarangkada ang Orientation at Early Registration para sa Pag-IBIG para sa Barangay Ordinance ng Eastern Samar, sa pangunguna ng opisina ni BM Stella Libanan, katuwang ang Pag-IBIG Fund at ang Provincial Government, Department of Barangay Affairs.
Umabot sa 514 barangay personnel ang matagumpay na nakapagparehistro sa programang ilulunsad sa susunod na taon. Para sa araw na ito, mga barangay mula sa Northern Municipalities ang tinanggap, habang Nobyembre 6 at 7 ay nakalaan para sa Southern Municipalities at walk-ins.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni BM Stella Libanan na matagal nang pinaghirapan ang proyektong ito upang makamit ng ating mga barangay officials ang nararapat na benepisyo.
โPara po ito sa inyo, mga barangay officials. Matagal na nating hinihiling na magkaroon ng mga benepisyo para sa mga barangay. Kaya naman, samantalahin natin ang pagkakataong ito at magpasalamat sa gobyerno dahil sa wakas ay matatamasa na natin ito ngayon.โ
Isang panibagong yugto ng pag-asa, pagkakaisa, at pagkilala sa ating mga lingkod-barangay.
Dito, tunay na ang bawat barangay ay bumibida โ para sa kapwa, para sa kinabukasan, para sa Eastern Samar!
Registered ka na ba, Ka-Liga? โค๏ธ๐ซ
Ipakita ang iyong Bida moment! I-comment sa baba ang iyong photo o selfie mula sa orientation gamit ang hashtag ! ๐ธโจ