26/09/2026
BALITANG AGMAHAN || ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐; ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
BORONGAN CITY โ Matagumpay na nagtapos ang tatlong pangunahing kompetisyong pang-akademiko ng Schools Division of Borongan Cityโang Division Science, Technology, and Mathematics Fair (DSTMF), Division Schools Press Conference (DSPC), at Division Festival of Talents (DFOT)โsa pamamagitan ng pinagsama-samang seremonyang pangwakas na ginanap sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) noong Setyembre 26.
Tampok sa programa ang pagkilala at paggawad ng mga medalya at sertipiko sa tatlong nangungunang kalahok sa bawat kategorya bilang pagkilala sa kanilang angking husay, dedikasyon, at paghahandang ipinamalas sa kani-kanilang larangan. Kabilang sa mga kinilala ang mga batang mananaliksik, mamamahayag, at mahuhusay na mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan ng Borongan City.
โ"Excellence is not achieved by chance..." ani Dr. Hazel Meneses, Chief ng Curriculum Implementation Division (CID) ng Dibisyon. Binigyang-diin niya na masusing paghahanda, patuloy na pagsasanay, at determinasyong pagbutihin ang sariling kakayahan ang siyang susi sa kalinangan at tagumpay.
Samantala, itinampok naman ni Eloiza R. Zartiga, CESE, Assistant Schools Division Superintendent ng Dibisyon ng Borongan City, ang kahalagahan ng pagtataguyod at pagsusulong ng mabubuting asal at wastong pag-uugali ng mga mag-aaral, na mahalagang sangkap hindi lamang sa kompetisyon kundi maging sa kanilang paghubog bilang mga indibidwal.
Bilang susunod na yugto ng mga nasabing paligsahan, ang mga kwalipikadong kalahok ay magpapatuloy sa panrehiyong kompetisyon upang katawanin ang Dibisyon ng Borongan City. Gaganapin sa Disyembre ang Regional Science, Technology, and Mathematics Fair (RSTMF) at Regional Festival of Talents (RFOT), samantalang nakatakda namang idaos sa Marso ng susunod na taon ang Regional Schools Press Conference (RSPC).
Sa pagtatapos ng tatlong kompetisyon, hindi lamang mga medalya at sertipiko ang naiuwi ng mga kalahok, kundi mga karanasang magsisilbing pundasyon sa kanilang patuloy na paglinang ng talento, kaalaman, at kahusayan sa kani-kanilang mga larangan. #
๐ธ: K. Tamayo, E. Odang, S. Dulfo, & J. Villarino
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐:
๐ผ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฎ ๐ ๐ช๐๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐ฅ๐ช๐๐ก๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ค๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ค๐ ๐ช๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ. ๐ผ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ฃ๐ค๐ง ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฎ ๐ ๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฉ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐ฅ๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฉ ๐๐ฉ ๐ฃ๐๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ช๐ข๐๐๐ง๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐จ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐๐ฃ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ก ๐จ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฃ, ๐ฅ๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ฎ๐๐, ๐๐ฉ ๐ฅ๐ง๐ค๐ฉ๐๐ ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ฃ๐ค๐ง ๐๐ ๐๐๐๐.
๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐ค๐ง๐๐จ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐ค๐ฅ๐ฎ๐, ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐๐ค, ๐ข๐ช๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฉ๐๐๐ก๐, ๐ค ๐ฅ๐๐๐๐๐ข๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ ๐๐๐ โ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก ๐๐ช๐๐ก๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐ง๐ค๐๐๐๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ฌ๐ค๐ง๐ (๐๐๐ฝ๐).
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ โ ๐๐๐๐