18/06/2026
LESSON LEARNED in HK‼️
Totoo namang pede kang gumamit ng debit/credit cards sa Hong Kong like GCash, GoTyme, Maribank gaya ng sinasabi ng karamihan dahil gumamit din kami ng GoTyme at credit card. Totoo namang mas makakatipid ka kesa bumili ng Octopus card.
Which is what we did just recently (June 14-17) - hindi kami bumili ng Octopus card. Yung 3 kids lang binilan namin pag labas ng immigration.
Pero pag sakay namin ng bus papuntang Tung Chung, hindi gumana ang GCash at GoTyme (not sure with Maribank kasi wala kami non😅). Magbabayad dapat kami ng cash pero ang senyas nong driver no, siguro dahil nakita nya nag tap naman kami para don sa mga kids na kasama namin.
The whole time na nasa bus kami nagtatalo na kami dahil nga ayun unang sakay pa lang epic na.😩😅
Ending bumili din kami ng Octopus card sa MTR Tung Chung station.😅 Yung isa sa min nag download ng Octopus for Tourist app at nilink nya yung Apple Pay nya kaya yung celfone nya ang gamit nya pang tap.
Hindi sa lahat ng hus gumagana ang debit/credit card. Kaya much better bumili na lang ng Octopus card para sure at hindi na mahassle sa byahe lalo na kung madami kayo at may kasama kayong kids/seniors.
Ok gamitin ang debit/credit cards sa mga shops like kung kakain or pang shopping dahil halos lahat tumatanggap non.