04/04/2025
"Pagpapahalaga sa Budget at Praktikal na Pagpapasya"
"skl"
Noong March 29, 2025, isa na namang hamon sa budgeting ang aming naranasan. Sa kinita namin, sakto lang ang halaga para sa mga pangunahing pangangailangan sa groceryβkape, asukal, gatas, bawang, luya, sibuyas, at bigas. Pero dahil limitado ang budget, hindi na ako bumili ng ulam. Sa halip, nagdesisyon akong magtiis muna sa kung anong meron kami sa bahay.
Gayunpaman, bumili ako ng pakwan kahit tipid mode kami. Bakit? Dahil request ito ng anak ko na masama ang pakiramdam. Minsan, ang simpleng prutas ay nagiging comfort food para sa mga bata, at para sa akin, mahalaga ang ganitong munting bagay para sa kanilang kalusugan at kasiyahan.
Nang magtanong ang aking anak kung bakit walang ulam, ipinaliwanag ko:
"May gulay naman tayoβpapaya at malunggay. Mas magiging malakas tayo kapag gulay ang kinakain natin, anak."
I used this moment as a teaching opportunityβto show the value of contentment and healthy eating. Hindi laging kailangan ng karne o mamahaling ulam; minsan, ang simpleng gulay ay sapat na para mapunan ang ating pangangailangan.
Sa araw na iyon, natutunan ko ulit ang halaga ng pagiging wais sa budget at ang kahalagahan ng pagpapaliwanag sa mga bataβna minsan, ang simpleng desisyon ay may dalang malaking aral tungkol sa pagtitipid, kalusugan, at pasasalamat sa kung anong meron tayo. π