12/05/2024
Tula mula sa isip
Bagsak
“May ibinigay ka?”
Kung wala ay wag kang umasa
“May ibang araw pa…”
Yan ang maling akala
“Hahabol pa ako.”
Wala ka ng aabutan pa
Nauna na sila
Naiwan ka na nila
Daming nasayang
Sayang ang pera
Sayang ang oras
Sayang ang pag asa
Kung pinag buti mo lang sana
Kung mayroon lang disiplina
Kung mayroon lang respeto
Maiiwasan sana ang pag bagsak.