
15/09/2025
Isinagawa ngayong Lunes, Setyembre 15, 2025, ang dry run ng Brooke’s Point Grand Terminal sa Bayan ng Brooke’s Point, Palawan.
Layunin ng aktibidad na subukan ang operasyon ng bagong terminal, kabilang ang maayos na daloy ng mga sasakyan at pasahero, bago ang pormal na pagbubukas nito.
Pinangunahan ang dry run nina Mayor Cesareo R. Benedito Jr. at Vice Mayor Atty. Mary Jean D. Feliciano, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, kinatawan mula sa transport sector, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders.
Sa pamamagitan ng isinagawang dry run, natukoy ang mga dapat pang ayusin at ihanda upang matiyak ang ligtas, maayos, at sistematikong paggamit ng pasilidad para sa mga biyahero ng Brooke’s Point.