18/06/2026
𝐒𝐀𝐋𝐔𝐁𝐎𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍! 🚤🔥
Opisyal na patakaran at kategorya ng Bangkarera / Bangkasiyaahan event para sa iba’t ibang klase ng kompetisyon sa karagatan—mula sa motorized racing, hanapbuhay categories, hanggang sa sagwanan events.
📍 May iba’t ibang klase ng karera, premyo, at technical rules para sa patas at ligtas na laban ng bawat kalahok.
Link: https://web.facebook.com/photo/?fbid=122266203734090197&set=a.122110775990090197
𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐊𝐀? 𝐒𝐀𝐋𝐔𝐁𝐎𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍!
Part 1. PANGANYAYANG KATEGORYA (Invitational Category)
1. OPEN and SEMI-OPEN CATEGORY
- 7.0 HP (pwede 7.1 – 7.8 HP) Kahit anong klaseng makina ritokado man o hindi, Flat Boat, palikpikan na pangkarera at kahit anong gasolina ang pinapayagan sa paligsahang ito.
- Ang may entry na pangkarera na higit sa isa (1) pataas ay e-babraket ang kanilang bangkang pangkarera na naka kategorya sa open (bracket 1 and 2) at semi-open (bracket 3 and 4).
- Ang mga pangkarera na naka braket ay magkakaroon ng bunutan, subalit kung ang nabunot ay iisa ang may-ari, magkakaroon ng bunutan uli.
- Ang magwawagi na bangkang pangkarera mula sa apat (4) na braket ay sabay-sabay bibitawan para sa huling paligsahan (Championship Game).
- Maaring dalawa (2), tatlo (3) o higit pa ang pweding bitawan sa bawat karerang gagawin.
- Kung nagkaroon ng aberya ang mga makina, pweding magpalit ng makina ngunit di-pweding magpalit ng bangka.
- Pweding magpalit-palit ng henete/operator bastat kasama sa kanilang grupo/team. Di-pweding magpalit ng henete/operator mula sa ibang grupo/team.
- Pagkanamatayan ng makina sa unang pagkarera na hindi pa lumagpas sa unang buya o marker, ang bangkang pangkarera 1,2,3,4 ay maaring ulitin, subalit kung sa ikalawang pagbitaw ay namatayan muli. Ang alin man sa bangkang pangkarera 1,2,3,4 ay tuloy-tuloy na po ang karera. Subalit kung dalawang (2) bangkang pangkarera lang ang bibitawan at namatayan ng makina ang isa (1) ay hanggang sa ikalawang (2) boya lang dapat at dipa naandaran ang katunggali ay idedeklara na siyang panalo at pwedi na siyang bumalik.
• Elimination Round
- Kung on-going ang karera at parehong namatayan ng makina ang dalawa o higit pang bangka sila ay edidiklarang eliminated na sa karera kahit pa sinong mauna sa kanila.
Championship Round
- Kung on-going ang karera at isa o higit pa ang magkaaberya o namatayan ng makina, ang pinakamalapit na distansya mula sa starting area ang syang mailalagay sa mababang pwesto.
• Prizes:
1st Place: ₱60,000
2nd Place: ₱50,000
3rd Place: ₱40,000
4th Place: ₱30,000
2. HANAPBUHAYAN (GASOLINE ENGINE)
- 10-16 HP kahit anong makina na single piston engine at kahit anong gasolina ang gamitin ay pinapayagan sa paligsahang ito.
- Ang sukat ay 16 inches pataas ang parka at 18 ft pataas ang haba, flat boat (kahoy) o di-kasko ay pinapayagan sa paligsahang ito.
- Kawayang katig lamang ang gagamitin at di-pinapayagan ang kahoy na katig lalo na ang may timon.
- Ang bracket 1 and 2 ay para sa mga malalaking bangka at ang bracket 3 and 4 para sa maliliit na bangkang ginagamit sa panghanapbuhay lamang.
• Prizes:
Open Pangkabuhayan (Diesel) (10 Hp-22 Hp)
1st Place: ₱15,000
2nd Place: ₱10,000
3rd Place: ₱7,000
4th Place: ₱4,000
3. HANAPBUHAYAN (DIESEL ENGINE)
- Bangkang di-kasko at flat boat na kahoy lamang ang pinapayagan sa paligsahang ito.
- 10 HP-22 HP kahit anong makinang single piston diesel ang gamit ay pinapayagan sa paligsahang ito.
- Ang sukat ng bangka ay 20 inches pataas ang taas ng parka at 18 ft pataas ang haba.
- Kawayang katig lamang ang gagamitin, at di-pinapayagan ang kahoy na katig, lalo na ang may timon.
- Ang (bracket 1 and 2) ay para sa mga malalaking bangka at ang (bracket 3 and 4) ay para sa maliliit na bangkang ginagamit sa panghanapbuhay lamang.
• Prizes:
1st Place: ₱15,000
2nd Place: ₱10,000
3rd Place: ₱7,000
4th Place: ₱4,000
4. DI-SAGWAN SOLO
- Dapat lahat ng bangkang disagwan ay may katig.
- Bawal ang plywood na kasko.
- Bawal ang magkabilaang kutsarang sagwan.
• Prizes:
1st Place: ₱5,000
2nd Place: ₱4,000
3rd Place: ₱3,000
4th Place: ₱2,000
5. ISAGWAN MO SINTA KO
- Mag-asawa o Magkasintahan lamang na lalaki at babae ang pinapayagan.
- Pwedeng Gumamit ng dalawang sagwan, isa sa lalaki, isa sa babae.
• Criteria for Judging:
- Kasuotan, Pagkamagiliw - 50%
- Kaayusan ng bangka at dekorasyon - 20%
- Bilis ng pagsagwan - 20%
- Audience Impact - 10%
- TOTAL - 100%
• Prizes:
1st Place: ₱5,500
2nd Place: ₱4,500
3rd Place: ₱3,500
4th Place: ₱2,500
Consolation Prize: ₱500 EACH (₱10,000)
6. BUGSAYAN (7 Fisherfolks)
- Anim (6) ang tiga sagwan at isang (1) timonel
- Bangkang may katig at gamit sa pangkabuhayan lamang ang pwede sa paligsahang ito.
• Prizes:
1st Place: ₱10,000
2nd Place: ₱8,000
3rd Place: ₱6,000
4th Place: ₱4,000
Consolation Prize: ₱500 EACH (₱10,000)
Part 2. TECHNICALITIES
A. Sa pagpaparehistro, kinakailangang may i-presentang sedula ng kalahok.
B. Kinakailangang physically fit o nasa tamang kalusugan ang kalahok at may edad na hindi bababa sa 18 taong gulang.
C. Ang lahat na bangkarero na kasali sa karera ay kinakailangang nakapirma sa waiver na magmumula sa management ng bangkarera. "No waiver signed, no race".
D. Sa panahon ng karera obligadong magsuot ng life vest ang lahat ng henete/Operator “no vest, no race”.
E. Sa panahon ng karera ay IWASANG MASAGI ang bandera o flag na iniligay para maging marker sa paikutan.
F. Sa gitgitang karera ng mga bangka IWASANG MAGKASAGIAN o MAGKABONGUAN ang mga bangkang pangkarera. Kung sakaling may mangyaring sagian o bungoan, kung sino ang bumungo o sumagi sa unahang bangka ay edidiklarang disqualified sa karerang iyon.
G. Screening strategy ay ipinagbabawal. Ang intensyonal na pagharang sa katunggaling bangka ay idedeklarang disqualified.
H. (Open Bracket) Pinapayagan kahit anong engine modifications sa makina basta hindi aabot ng 8 HP.
I. (Semi-open bracket) Pinapayagan ang Stock piston, stock stroke, stock liner, open modified engine.
J. Not allowed ARC parts (billeted parts).
K. Ang protesta ay Dapat isumite o isanguni sa Protest Committee sa loob ng sampong (10) minuto matapos ang opisyal na resulta ng karera.
L. Katumbas ng bawat protesta sa makina ay ang cash bond na nagkakahalagang Php 1,000.00. Kung mapatunayang mayroong paglabag sa itinakdang rules ay automatic disqualified at ang cash bond ay mapupunta sa mekanikong pinayagan ng management na magsuri.
M. Bawal ang counter weights (semi-open).
N. Ang disisyon ng Board of Judges ay pinal at hindi na maaring i-apela.
O. Ang sino man kakitaan sa mga nabanggit sa itaas ay maaring hatulan ng HURADO. (Disqualified o TALO).
Part 3. MGA PROSESO NG PAGKA-KARERA
(Open, Semi-open, Pangkabuhayan)
A. “Otso-Otso” at isang “OVAL” ang paraan ng pag-ikot.
B. Ang race course ay may sukat na 500 x 600 meters.
(Sagwanan)
A. Ang karera para sa mga di-sagwan ay magkakaroon lamang ng isang round per category
B. Ang race course ay mayroon lamang 300 meters balikan, na may total na 600 meters.
MR. ABNER P. JUANERIO
COMMITTEE IN-CHARGE | 09067067007