Nancy Castro-Madrigal

Nancy Castro-Madrigal Para sa Diyos at maunlad na bayan, TUMINDIG at SUMULONG para sa matapat na serbisyo. đź’š official page.

13/05/2025

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa bawat nakiisa, tumindig, naniwala, at walang sawang sumuporta sa aming layunin.

MARAMING SALAMAT, VISTAÑOS!

Patuloy na magmamahal sa ating bayan at maglilingkod ng walang sawa,
Ate Nancy đź’š


10/05/2025

Muli nyo po nawa akong samahan sa paninindigan sa katuwiran, at pag agap sa aksyon!

Sa akin pong pamumuno, madarama ang malasakit, malasakit na hindi lang salita kundi may kasamang gawa.

Ngayon po, sa muling pagbabalik ng inyong lingkod, bitbit ko po ang "TALAHIB LEGACY":

T-ayo nang muli
A-ting itaguyod ang
L-aban nating lahat
A-lang-alang sa
H-inaharap ng ating
I-nang bayang
B-uenavista

Narito po akong muli, buong puso na maglilingkod, hindi para sa sarili kundi para sa buong bayan. At sa bawat hakbang, kasama nyo po ako sa laban tungo sa mas maunlad, mas maayos, at mas makataong Buenavista.

Tara po at Magkaisa. Manalangin. Kumilos.




"Bagong Mukha, Subok naman sa Gawa!" JOEY CASTRO - Kandidato sa Konseho ng BuenavistaHindi man bago sa serbisyo, ngayon ...
10/05/2025

"Bagong Mukha, Subok naman sa Gawa!"
JOEY CASTRO - Kandidato sa Konseho ng Buenavista

Hindi man bago sa serbisyo, ngayon ay handa nang maglingkod sa mas malawak na saklaw!

Dating Kagawad ng Brgy. Quatro, si Joey Castro ay kilala sa kaniyang malasakit sa kapwa at sa pagtulong lalo na sa mga usaping legal. Ngayon, nais niyang iangat ang antas ng paglilingkod—mula barangay tungo sa buong bayan ng Buenavista.

Bago man sa inyong paningin, subok na sa serbisyo.
Tangkilikin natin ang may puso at galing para sa tunay na pagbabago.

JOEY CASTRO sa Konseho – Serbisyong may malasakit, gawa, at integridad!



Sa darating na Mayo 12, kami po ay nagpa   na INGATAN ANG INYONG BOTO. Huwag magpadala sa mga serbisyong puno ng pangako...
10/05/2025

Sa darating na Mayo 12, kami po ay nagpa na INGATAN ANG INYONG BOTO. Huwag magpadala sa mga serbisyong puno ng pangako lamang, at MAGING MAPANURI sa tunay na kalagayan ng ating mahal na bayan.

Ang , katuwang po ang , ay kaisa ninyo sa paglaban para sa nararapat para sa bayan. SA TAMANG PARAAN AT TAMANG GAWA.

Ang INYONG BOTO ay isang hakbang patungo sa mas maunlad at maayos na bayan. BIGYANG HALAGA KUNG SAAN ITO MAPUPUNTA.

Ang aming mga plataporma ay hindi lang nakabatay sa mga salita, kundi subok na at may mga konkretong plano. Kaya kung kami po ay inyong bibigyan ng pagkakataon, kami po ay handang isakatuparan ang aming mga proyekto para sa isang mas maunlad na bayan. SAMAHAN NYO PO KAMI, halina't para sa bayan.

PARTYLIST - #74 Pusong Pinoy Pusong Pinoy Partylist
CONGRESSMAN - #2 Velasco, Presby Gov. Presby Velasco, Province of Marinduque
GOVERNOR - #2 Velasco, Lord Allan Jay Congressman Lord Allan Jay Velasco
VICE GOVERNOR - #1 Angeles, Lyn Vice Governor Lyn Angeles, Province of Marinduque
MAYOR - #1 Madrigal, Nancy Castro-Madrigal

COUNCILORS:
- #1 Castro, Joey Joey Castillo Castro
- #4 Grate, Jun Antonio Grate Jr.
- #7 Madrigal-Dela Cruz, Loving Richelle Madrigal Dela Cruz
- #11 Pe, Arleigh
- #12 Perlas, Edgar Edgar Perlas
- #13 Reanzares, Tawi Manuel Reanzares
- #15 Rosas, Eve

10/05/2025

EDGAR PERLAS | "Titindig para sa Matapat na Serbisyo"

Minahal at pinagkatiwalaan ng mga mamamayan, si Edgar Perlas ay nagsilbi bilang 3-term Barangay Captain ng Brgy. Yook, kung saan siya ay kinilala sa kanyang tapat at makamasang pamumuno.

Sa kasalukuyan, siya ay konsehal ng bayan at nasa kanyang ikatlong termino, isang patunay ng patuloy na tiwala ng bayan sa kanyang kakayahan at malasakit. Sa kanyang panunungkulan, siya ay naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga mahahalagang ordinansa at programa para sa kapakanan ng mga lingkod-bayan at ng buong komunidad.

Ngayon, ating papa-graduatein si Konsehal Edgar Perlas, dala ang dangal at karanasang kanyang pinanday sa serbisyo publiko.

Tunay na Lingkod-Bayan. Tapat. Maaasahan. Titindig para sa Bayan.





10/05/2025

TAWI REANZARES | Tapat na Lider. Subok na Serbisyo.

Sa loob ng tatlong termino bilang Punong Barangay ng Daykitin, ipinakita ni Kap. Tawi Reanzares ang tunay na kahulugan ng lider na may malasakit at gawa. Hindi sapat ang mga salita—ang kanyang mga nagawa para sa komunidad ang siyang nagsilbing patunay ng kanyang tapat at epektibong pamumuno.

Ngayon, hindi na lang para sa Daykitin ang kanyang hangarin, kundi para sa buong bayan. Handa na si Tawi na maglingkod bilang Konsehal ng Bayan, bitbit ang kanyang karanasan, kaalaman, at pusong tunay na nagmamalasakit.

Bakit si Tawi Reanzares?
- May mahigit isang dekadang karanasan sa lokal na pamahalaan
- Kilala sa kanyang tuwid na pamamahala at malasakit sa mamamayan
- May tapang na humarap sa hamon, at may puso para sa mga tao
- Naniniwala sa bayanihan, transparency, at tunay na serbisyong publiko

Hindi lang siya lider—isa siyang lingkod-bayan na may puso at direksyon.

Ngayong eleksyon, ipagpatuloy natin ang mabuting pamamahala.
– Tawi Reanzares para Konsehal ng Bayan!

Tiwala. Aksyon. Wagas na Inisyatibo. Ngayon na!




10/05/2025

ARLEIGH PE – Serbisyong Subok, "Lingkod-Bayan sa Dugo, Serbisyo sa Puso!"

Mahal natin si Arleigh Pe hindi lang dahil siya ay anak ng Brgy. Caigangan, kundi dahil napatunayan niya ang kanyang malasakit sa bayan. Nagsilbi bilang Kapitan ng barangay sa loob ng 5 taon, at tatlong terminong Konsehal ng Bayan — hindi matatawaran ang kanyang dedikasyon at karanasan.

Ang dugo ng pagiging lingkod-bayan ay minana niya sa kanyang ama, ang minahal nating dating Mayor Ling Pe. Ngayon, handa siyang muling maglingkod — may puso, may malasakit, at may tunay na paninindigan para sa bayan ng Buenavista.

Isang boto para kay Arleigh Pe ay boto para sa tunay na serbisyo para sa bayan!



10/05/2025

EVE SOTTO ROSAS
"Matinik sa Serbisyo, Hindi sa Pa-pogi!"

Siya daw ang rosas na walang bango—pero sa serbisyo, siya ang pinakamabango!
Hindi man mahilig sa papansin, si Eve Sotto Rosas ay kilala bilang matinik—hindi sa chicks, kundi matinik sa totoong paglilingkod!

Bilang dating Director ng MARELCO, Konsehal, at Vice Mayor ng Buenavista, hindi na bago sa kanya ang tunay na hamon ng pamahalaan. Minahal ng bayan hindi dahil sa salita, kundi dahil sa gawa.

Ngayong halalan, ibalik natin ang lider na may puso at prinsipyo.
Ibalik natin ang serbisyong tapat, may malasakit, at walang palya.

KONSEHAL EVE SOTTO ROSAS
Tapat. Subok. Para sa Buenavista.





10/05/2025

Suportahan si Konsehal JUN GRATE – Para sa Mas Maunlad na Buenavista!

- Bilang Konsehal, Marami Nang Naipatupad na Pagbabago!
Si Konsehal Jun Grate ay patuloy na nagtatrabaho para sa mas magandang kalagayan ng ating bayan. Isa siya sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga ordinansa at programa na nakikinabang ang ating mga kababayan, lalo na sa sektor ng Transportasyon, na nagdudulot ng mas magaan at mas maayos na buhay sa bawat isa sa atin.

âś… #1 Konsehal sa Nakaraang Eleksyon
Isang patunay ng kanyang tapat na paglilingkod at malasakit sa buong bayan ng Buenavista ang kanyang pagiging Number 1 Konsehal noong nakaraang halalan. Minahal siya ng mga taga-Buenavista dahil sa kanyang dedikasyon at sinseridad sa pagtulong at paglilingkod.

đź’– Asawa ni Dra. Grate ng RHU
Si Konsehal Jun Grate ay hindi lang lider sa gobyerno, kundi isang mapagmahal na asawa kay Dra. Grate, isang kilalang health worker sa ating bayan. Sama-sama nilang isinusulong ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.

🏆 Tuloy ang Paglilingkod, Tuloy ang Pagbabago!
Ipatuloy natin ang pagpapalago at pag-unlad ng Buenavista! Suportahan natin si Konsehal Jun Grate sa mga susunod na hakbang para sa ating bayan. Ang kanyang liderato at malasakit ay patuloy na magdadala ng positibong pagbabago sa ating komunidad!

🗳️ Para sa Mas Magandang Bukas, Suportahan Si Konsehal Jun Grate!



10/05/2025

LOVING MADRIGAL DELA CRUZ

Siya raw ang pinakamaganda at pinaka-sexy sa hanay ng mga konsehal ng Team Tindig Buenavista—ngunit higit pa sa kanyang karisma at ganda, ay ang kanyang malasakit, sipag, at dedikasyon sa paglilingkod.

Mula pagkabata, si Loving Madrigal Dela Cruz ay namulat na sa kahalagahan ng pagtulong sa kapwa. Lumaki siya sa piling ng mga huwarang lingkod-bayan:

Ang kanyang lola, Dating Mayor Ofelia Madrigal – isang simbolo ng matatag at makataong pamumuno.

Ang kanyang ama, Mayor Jing Madrigal – ang tinig ng malasakit at aksyon sa bayan ng Buenavista.

At ang kanyang ina, Ate Nancy Madrigal – ang puso ng pamilya at ng komunidad.

Hindi man beterano sa pulitika, beterano naman siya sa serbisyo. Sa puso niya'y malinaw ang hangarin: ang isang Buenavistang maayos, maunlad, at may pagkakaisa.

Tatak Talahib – Ipinagmamalaking dugong Madrigal, tunay na anak ng Buenavista.
Lovingly Yours – Hindi lang slogan, kundi panata niya sa bawat mamamayan.
– Sama-sama, taas-noo, at may paninindigan para sa bayan.
– Hindi lang trabaho, kundi tunay na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.
– Isang bagong henerasyon ng lider, handang maglingkod at magpakatao.

LOVINGLY YOURS,
Loving Madrigal Dela Cruz
Ang Boses ng Kabataan. Ang Ganda ng Serbisyo. Ang Pusong Para sa Bayan.





SINO SI ATE NANCY?Hindi salita, kundi gawa ang kaya pong ibahagi ng inyong lingkod.Sa loob ng aking panunungkulan, naipa...
10/05/2025

SINO SI ATE NANCY?

Hindi salita, kundi gawa ang kaya pong ibahagi ng inyong lingkod.

Sa loob ng aking panunungkulan, naipakita po ang tunay na liderato na may puso at malasakit—mula sa pinakamababang kaso ng COVID-19 sa ating bayan, hanggang sa mga proyektong konkreto para sa kalusugan, kabuhayan, kaligtasan, at kaunlaran ng buong Buenavista.

Ilan lamang po ito sa mga nagawa ng inyong lingkod na nagpapakita kung sino ako at ano ang aking ti-TINDIGan ngayong darating na eleksyon.

Samahan niyo po ako at maging kaisa sa aming layunin na TUMINDIG PARA SA ATING MAHAL NA BAYAN NG BUENAVISTA.

Pahintulutan niyo po na ibalik ang lider na may maipagmamalaking track record, may malasakit sa bawat pamilyang Vistaños, at may tapang na ituloy ang laban para sa mas maunlad na kinabukasan.




Address

Buenavista
4904

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nancy Castro-Madrigal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Nancy Castro-Madrigal:

Share