09/01/2024
IPINAG KASUNDO
ang story na ito ay mahigpit na ipinag babawal na kupyahin or icopy ng walang permission sa gumawa ng story na ito, sa madaling salita bawal nyong gayahin ang aking story/kwento dahil kayo ay makakasohan ng plagiarism!!
CHAPTER #1
Hello my name is Kianna, pero ang tawag nila sakin ay Kia, 16 years old as of now simple lang ang pamumuhay namin, hindi kami mahirap at hindi rin kami mayaman, talagang simple lang.
kahit ordinaryong tao lang kami ay masaya padin, btw tatlo kaming magka kapatid, si Jay nasa 9 years old na sya at si Allan ay 4 years old.
ako ang panganay sa dalawa kong kapatid, si Jay may pagka babae sya, minsan nga nakita ko sya suot nya ang dress ko at umikot ikot pa sya.
Kia: bakit suot mo ang dress ko?
Jay: maganda ba ate, bagay ko ba?
Kia: hubarin mo nga yan, baka madumihan pa.
Jay:mamaya na ate suot ko pa e, dmo ba papahiramin ang nag iisa mong kapatid na magandang dilag?
Kia: magandang dilag ka dyan, ang sabihin mo baklang ulikba
Jay: grabe kana talaga ate, mommy oh si ate inaaway nanaman ako
Kia: anong inaaway, kapal mo e noh
Mommy: ano ba kayo, kung hindi kayo titigil humanda kayo sakin.
*/gabi na
Mommy: kain na tayo, tawagin mona mga kapatid mo at ang papa mo
Kia: sge po
*/tapos na silang kumain
Kia: Jay halika dto dali
Jay: bakit?
Kia:ano pang hinihintay mo mag hugas kana ng pinggan
Jay: ang sabi ni mama sakin kapag grade 5 na daw ako maghuhugas ng pinggan
Kia: ano ka sineswerte, grade 2 nga ako marunong nako mag luto at mag hugas ng pinggan, ikaw pa kaya.
Jay: mommy si ate pinaghuhugas nya ako ng pinggan
Kia: ang sabihin mo tamad ka lang.
Jay:edi wow
*/tapos ng naghugas ng pinggan si Kia, at nasa kwarto na sila.
Kia: tulog kana jay, may pasok pa tayo bukas
Jay: mamaya pa
Kia: kapag hindi ka nagising ng maaga bukas, hahayaan kitang matulog para hindi kana maka pasok sa school.
*/pag sapit ng sabado, pumunta si Tita Amie ang kaibigan ni mama kasama nya si Ken.
si Ken ay 17 years old, mas matanda sya saking ng isang taon.
si Ken moreno, pogi, matangkad at matangos ang ilong, singkit pa ang kanyang mga mata na maslalong nagpa pogi sakanya, bonus nalang at mabait at matalino pa.
Kia: Tita andito pala kayo, wait lang po tawagin kopo si mommy.
Amie: oh Kia ikaw pala yan, hindi kita namukhaan, maslalo ka pang gumanda
Kia: thankyou po tita.
Amie: teka maupo ka muna dito, para maka pag kwentohan naman kayo ni Ken, ako na ang tatawag sa mommy mo.
Kia: sge po.
*/umalis na sila, at silang dalawa na ang naiwan.
Kia: kamusta kana Ken, buti at naka pasyal kayo dto samin, namiss kita kasama mag bike
Ken: wag ka nga feeling close.
Kia: hala sya oh, nagsusungit nanaman.
Ken: 🙄
Kia: hanggang ngayon dika pa nag babago, ano bayan Ken
Ken: pake mo?
mommy ni Kia: hello Ken, maslalo kang pomogi ngayon ah, tangkad mona
Ken: syempre po, ako pa
Amie: alam mo Kia, mag tratransfer na si Ken sa school nyo, at magiging kaklase mo pa sya
Kia: talaga po, kelan po?
Ken: wag nyo naman na pong sabihin ma.
Amie: itong darating na lunes
Kia: pano ba yan Ken magiging kaklase na kita
Ken: asa ka!
hanggang dito nalamang po tayo, abangan ang mga susunod na CHAPTER dito sa IPINAG KASUNDO, para maging updated kayo sa mga panibagong Chapter's ilike at ifollow nyo po ang fb page, thankyou mga readers!!
Author: Abad Rhian
PAALALA!!!!
ang story na ito ay mahigpit na ipinag babawal na kupyahin or icopy ng walang permission sa gumawa ng story na ito, sa madaling salita bawal nyong gayahin ang aking story/kwento dahil kayo ay makakasohan ng plagiarism!!