
20/05/2025
Lahat na ba nakakita ng post tungkol sa isang nanay na sinunog ang mga anak niya, tapos pagkatapos nun, nag-suicide siya? Maraming tao sa comment section ang nagtatanong kung bakit niya ginawa ‘yon. Bakit kailangan pa niyang idamay ang mga bata?
Pero ang totoo, people won’t really understand her—lalo na ‘yung mga taong hindi pa naranasan ang sitwasyon niya. I’m also a mom na nagsu-suffer sa mental health ko. To be honest, kumakapit lang ako sa mga anak ko, kaya hanggang ngayon, andito pa ako. Yung asawa ko rin, isa siya sa mga sandalan ko. Some people close to me do listen, pero hindi lahat nakakaintindi. Some of them even low-key criticize me. Kahit alam nilang I’m struggling, may mga nagsasabi pa rin ng “Nakaya nga ni ganito, bakit ikaw hindi mo kayanin?”
Here’s my point of view: If I put myself in that mom’s situation, maybe naiisip niya na wala siyang mapagkakatiwalaan pagdating sa pag-aalaga ng mga anak niya—kahit asawa niya. Baka hindi niya rin kayang isipin na pag nawala siya, iiyak at mahihirapan ‘yung mga anak niya. Marahil iniisip niya na baka mag-asawa ulit ‘yung asawa niya, at kung mangyari ‘yon, ano na lang ang mangyayari sa mga anak niya? Paano kung wala nang magmahal sa kanila? Maybe that’s when the thoughts started coming in: “Isasama ko na lang sila.”
Being a mom is not easy—lalo na kung housewife ka. Maraming tao ang laging nagtatanong: “Ano ba trabaho mo?” or “Ano bang ambag mo sa asawa mo?” To be honest, naranasan ko ‘yan. May isang taong nag-message pa sa’kin at tinanong kung ano raw ba ang ambag ko sa asawa ko. Ang daming tao na iniisip na madali lang maging housewife. Kaya ang babaw ng tingin ng iba sa amin.
Eto lang masasabi ko: Don’t be harsh to all the moms out there. Don’t be the reason that some children will lose their mother. Sa mga asawa din dyan wag nyong bigyan ng rason ang mga asawa nyo para sukuan ang buhay.