
15/03/2025
Sulit ang byahe, kita nyo naman sa pics!
Pinakamagandang time pumunta dito ay January to February kasi full bloom ang mga flowers—sobrang saya sa puso! Ang lawak at ang ganda ng place, nakakabilib talaga.
Pero heads up, hindi ito ideal para sa mga older people na di mahilig sa mahabang lakaran kasi madaming hagdan paakyat at pababa. Hapon na kami nakarating, pero grabe, ang dami pa ring tourists!. Mga 2-3 hours ang kailangan para mapuntahan lahat at makapag-picture taking. May mga nag-aalok din ng photography, pero syempre, may pila.
Medyo makitid ang daan papunta, parang one-way na rin sa ilang parts, kaya ingat sa pagda-drive. Hindi rin siya ganun ka-accessible sa commuters, kaya mas okay kung may sariling sasakyan. May restaurant din doon, perfect after ng mahabang lakaran—siguradong magugutom ka!
Bonus, may libreng tinapay at kape after ng tour! Plus, may mabibili kang fresh flowers bago lumabas, starting at Php 50+.
Super recommended! ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️
Nasa last photo ung Entrance Fee. Nakapunta na rin ba kayo dito? Share your experience and tips naman 😁
Anyway, good morning and Happy Weekend ❤️