17/02/2026
Straightforward at Well-Executed Filipino Dishes. Consuelo by Chef Vince Garcia in Clark, Pampanga:
Exploring the heart of Filipino-Kapampangan cuisine here at Consuelo’s by Chef Vince Garcia in Clark. 🏛️ Pinaka-nagustuhan ko? Yung pagiging straightforward ng lasa. Walang pilit na fusion, purong tradisyon lang. 🥘
Pagpasok pa lang, yung bati sa amin ay puno ng hospitality na tatak-Kapampangan. Mapapansin mo rin na dinadayo talaga sila ng mga families at business people by group—isang patunay na quality ang food at service dito.
Isang word: Authentic. Nakakatuwa kasi sa dami ng "modern twists" ngayon, pinanatili nila yung classic taste.
Sinubukan namin ang:
✅ Sisig Matua
✅ Kare-Kare
✅ Pako Salad
✅ Sinigang na Salmon sa Miso
Must-tries: Sisig Matua & Kare-Kare! Perfect spot para sa mga mahilig sa heritage vibe at masarap na kwentuhan.
Ang pinaka-nagustuhan ko? Hindi nila pinilit lagyan ng "modern twist" ang recipes. Pinanatili nila yung classic, straightforward, at authentic taste ng mga putahe. Ito yung "plus points" sa akin—kasi kung may turista o balikbayan na gustong makatikim ng totoong lasa ng Pampanga, Ito yun tamang venue, very homey pero restaurant level.
Pati yung pagpili sa mga baso, plato, at pati na ang uniform ng staff, ramdam mong bawat detalye ay pinag-isipan para dalhin ka sa isang "ancestral home" vibe.
Nakaka-impress din yung private dining rooms nila. Kung 15 to 30 pax kayo, pwedeng-pwedeng mahati yung kwarto para sa mas intimate na gathering. Perfect 'to para sa mga family reunions o business meetings na nangangailangan ng privacy at magandang ambiance.
📍 Clark Parade Grounds, Pampanga
Barn House Building, 209 R.C. Santos, Clark Freeport Zone
Google Map link: https://maps.app.goo.gl/vd1X1fPuoNtLva9T7
⭐⭐⭐ Highly Recommended. Kung nasa Clark kayo at naghahanap ng lugar na maipagmamalaki natin pagdating sa Filipino vibe at flavor. Ito yun!
FULL VIDEO SOON 😁