02/09/2026
ππππ ππππ πππππ π
ππ ππππππ πππππππππ ππ
ππππππππ βΌοΈβΌοΈβΌοΈ
Matagal na kong nagtatrabaho sa Rice Mill, matagal nadin ako gumagamit ng Lalamove para mag booked ng mga sasakyan para magdeliver sa mga customer namin, ngayon lang sakin nangyari to.
August 31, 2026 3:00pm nagbooked ako ng lalamove para sa delivery namin sa San Marcos Calumpit, wala pang 30mins may nag accept na at ito nga yung nasa picture na si Rene Tumpang with plate number NIO5361. Expected ko na lagi na pag may nag accept na ng booking ko may tatawag na agad sakin at ito yung number na yun 09242870916 so sinagot ko, siya daw yung lalamove driver mga 20mins lang daw darating na sila, etc. so okay go diretso nalang po kako kayo dun sa pin location.
Around 4:00 pm dumating na sila sa pin location (Romared Branch 2) sabi ng mga tao namin na nadatnan nila dun sa labas ng rice mill may pinakita daw po sakanila sa cellphone na sila ngadaw po yung magkakarga ng San Marcos Calumpit at mga nag mamadali daw po itong tatlong lalaki at sinabing kargahan na sila dahil nag mamadali sila, tinawag nila yung naka duty na secretary at kinargahan napo sila at tumulong panga daw po itong dalawang kasama ng driver para mapabilis yung pagkarga at makaalis na agad. Ang karga po nilang bigas ay 90 pcs. na 25kls at 5 kaban na 50pcs na 5kls ang laman.
Around 6:00 to 7:00pm tumatawag sakin yung driver na naubusan daw sila ng diesel at sendan ko ngadaw siya thru online ng pang diesel, so ako nagtaka ako kasi sa tagal ko ng nag bobooked sa lalamove never ako naka encounter ng driver na magpapagcash sakin dahil naubusan ng diesel. Hindi ako naniwala sakanya, So chinek ko agad yung lalamove apps at nagulat ako bakit nandun sila around Tesda Tabang 8:00pm na? Tinatawagan ko yung kausap ko tinetext ko pero iba iba yung mga reply niya "naka attached narin dito sa post yung naging conversation namin" na puro kabalagbagan lang yung reply niya sakin na para bang hindi tao yung kausap ko. π€¬
Mga 8:30 pm habang tinatrack ko siya kung nandun paba siya sa Tabang, sakto bumabyahe kami ng asawa ko papuntang Sta. Rita Guiguinto sabi ko sa asawa ko try natin daanan kung nasaan sila baka naubusan lang talaga sila ng diesel kaya hanggang ngayon nandun sila ng bigla nalang niya INORDER COMPLETED at pinirmahan pa niya. Dun nako nawalan ng access kung nasaan na siya, kaya lahat ng kanto na malapit sa Tesda inikutan namin ng asawa ko pero hindi namin sila nakita, Nireport ko agad siya sa lalamove apps, mga 9:00pm binigyan nila ako ng access ulit ng location niya pero nagulat ako 30mins lang ang nakalipas nasa SUCAT PARAΓAQUE na siya agad, sobrang gulo. π«
Tinawagan ko agad yung naka duty na secretary na nagpakarga kung napicturan ba niya yung sasakyan habang nagkakarga ng bigas para may proof kami sa lalamove na hindi talaga deniliver. Buti nalang talaga at napicturan, At dun na kami nagtaka dahil ang plate number pala ng sasakyan na nagkarga ay "RNG 965" hindi tugma sa plate number ng nasa lalamove. At dahil matagal naman nanga na laging ganon ang sitwasyon na pag may dumating na lalamove at sinabi kung saan sila mag dedeliver hindi napo talaga naging ugali na icheck pa ang plate number, dahil kung namali man ng pakarga wala naman na ibang lalamove ang dumating pagtapos nila at walang "NIO 5361" na dumating.
Tinatawagan at tinetext ko yung number na nakausap ko pero hanggang ngayon walang sagot nakablock nadin ako. Sobrang laking abala po at hindi lang naman piso ang halaga neto.
Sa lahat po ng mga kakilala ko dito sa facebook baka pwedeng pakishare netong post ko para makarating dun sa mga taong gumawa nito.
At sa platform po ng Lalamove sana magawan po ito ng aksyon, nagsend narin naman po kami ng complain pero hanggang ngayon wala pong sagot.
Credit post : Maria Alexis