Jeniecis Morelos Asuncion

Jeniecis Morelos Asuncion For business inquiries, please message us here or email us at [email protected] 󱢏

01/03/2026
22/01/2026

Kapistahan ng Mahal na Patronang Sta. Ines Part 2

22/01/2026

Kapistahan ng Mahal na Patronang Sta. Ines

Maligayang Kapistahan Mahal Na Patronang Sta. Ines🎉🥳
20/01/2026

Maligayang Kapistahan Mahal Na Patronang Sta. Ines🎉🥳

20/01/2026
20/01/2026

BAWAL HUMIPO ANG LALAKE

Sa bayan ng Bulakan, Bulacan, dating kabisera ng lalawigan, sa nayon ng Sta Ines ay may kakaibang kapistahan. Kakaiba sapagkat ipinagbabawal ang mga lalaki na humawak sa ginagalang nilang Mahal na P**ng Sta Ines. Sa dalawang prusisyong de andas, isa sa umaga at isa sa gabi, sa araw ng kanyang kapistahan tuwing Enero 21, mga kababaihan lamang ang maaaring magbuhat sa karosang kinalalagyan ng banal na imahen. Isang programa rin sa gabi na kung tawagin ay Luante ang ginaganap kung saan mga kababaihan lang din ang nag-aalay ng mga maringal na tula at awitin sa maluwalhating santang birhen.

Isang matandang alamat ang pinagmulan ng kaugaliang ito. Narito ang kuwento ng birheng ‘di masaling ng mga anak ni Adan.

“Isang hatinggabi, isang mangingisda sa laot ng karagatan ay wala pang huli, subalit patuloy pa rin siya sa kanyang pamimintol at nagbabakasakaling kasihan siya ng Maykapal bago man lamang mag-umaga. Nang walang ano-ano’y biglang nabalot ng makapal na ulap ang laot ng dagat at kasabay ng pagguhit ng isang matalim na kidlat ay bumuhos ang malakas na ulan.’

“Biglang nagliwanag sa may dulo ng bangka ng mangingisda. Nagulumihanan siya sa gitna ng naturang liwanag nang makita ang Imahen ng Birhen – nakatuntong sa isang batya. Kagyat niyang itinali ang batya sa dulo ng kanyang bangka at nagsagwang pauwi.’

“Sikat na ang araw sa silangan at tahimik na rin ang tubig sa dagat nang sapitin ng mandaragat ang punduhan sa kanyang nayon. Tinangka niyang buhatin ang imahen ngunit ito ay hindi niya matinag. Nagpatulong sa siya sa kanyang kapwa lalaki sa nayon datapwa’t wala ring nangyari. Ngunit nang ang mga babae na ang nagtangka, ang imahen ay magaang nilang nabuhat. Ang kanang kamay ng imahen ay may hawak na oliba at sa kaliwa’y libro sagrado. Ang pangalan ng imahen ay nalamang “Ines” dahil ito’y nabasa sa aklat na hawak.’

“Nagbunyi ang buong nayon. Nagpatayo ang mga naninirahan ng isang bisita at ginawa nilang patrona ang mapaghimalang Mahal na P**ng Sta Ines.”

Ayon pa sa mga matatanda, bukod sa ang mga kababaihan lamang ang nakabubuhat sa imahen, kapag may lalaking magtangkang ito ay hipuin ay masungit na panahon ang kanilang biglang sasapitin. Nagagalit diumano ang Mahal na P**n at bumubuhos ang ulan, tumatalim ang kidlat at kulog, at lumulubog sa baha ang kanilang nayon kapag ang imahen ay mahahawakan o madadaplisan lamang ng paghipo ng sinumang lalaki maging ito pa ay ang pari.

Sa programa sa gabi ng kapistahan na kung tawagin ay Luante, muling inilalabas ng kapilya ang Mahal na P**n. Ito ay dadalhin sa isang lugar na kung tawagin nila ay Bukid (ngayon ay Salvador Oliver Street) kung saan ay may nakahandang entablado para sa palatuntunan. Tatlong piling dalaga ang magtatanghal ng mga tula at awitin para sa Mahal na P**n. Ang pagganap sa Luante ay isang panata. Taun-taon ang mga piling dalagang ito ay sila pa ring magtatanghal hanggang sa sila ay makapag-asawa. Tinutula ang talambuhay ng santang martir upang kapulutan ng aral ng mga deboto at aalayan din ng magagandang awitin ng pasasalamat at pagpupugay.

Ang Luante ay sinimulan ng nasirang si Lourdes Ramos Gonzales noong Panahon ng Pananakop ng Amerikano. Si Lola Lourdes ay isang deboto ni Sta Ines na nakapanggagamot diumano ng mga karamdaman gamit ang tubig mula sa isang bukal na pinaniniwalaang si Sta Ines rin ang mahimalang nagpabulwak. Sa ngayon, tuyot na ang sinasabing bukal na iyon.

Mahal na mahal ng mga taga-Sta Ines ang kanilang patrona. Ang kanyang kapistahan ay kanilang pinaghahandaan at bawat tahanan ay may piging. Masayang masaya ang lahat at punong-puno ng pagmamalaki na sila ay nakatira sa isang nayong may mapaghimalang patrona. Kaya naman bilang malaking paggalang nila sa kanilang pintakasi, hanggang sa panahong ito ay matibay nilang ipinatutupad ang matandang kaugaliang bawal ipahipo ang Mahal na P**ng Sta Ines sa mga kalalakihan.

(Larawang kuha ni Hilpot Reingin ng San Nicolas, kasapi ng Bulakan Photography Club.)

Sanggunian: "Aklat ng Bayan ng Bulacan" ni Mariano Santos; Panayam kina Ahmer Gonzales Felizardo, Jenroe Manlapaz, at Jenina Navarro Carreon.

07/11/2025
Happy Halloween! 🕷️🕸️🎃👻
31/10/2025

Happy Halloween! 🕷️🕸️🎃👻

Address

Bulacan

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jeniecis Morelos Asuncion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share