31/01/2026
Some things to remember for our Amphi80 later:
1. Venue: Malolos Digital Amphitheater (nasa waze din and Google map po para sa mga manggagaling ng Manila). Sa backstage po tayo ng Amphi para madadaanan lang ng mga runners and mas mabilis sila makapaghydrate/rest. Di na need pumasok sa loob.
2. Assembly and Racekit Claiming: 7PM
3. Gunstart: Exactly 8PM
4. Route: Paikot ikot lang po tayo around Malolos Convention, City Hall and Amphitheater. 😅 Sa mga tumatakbo na po sa Malolos Convention, alam nyo na kung ano ruta nito. 😅
5. Yung 1st loop po, sabay sabay muna lahat ng runners, para lang po mafamiliarize sa route ang mga di pa nakatakbo dito.
6. Kulang po ng 20-30 meters ang isang loop. (Depende pa din kung sa inner or outer lane dadaan). Kaya aabot ng more or less 83 loops.
7. Dahil sa ito ay hindi naman malakihang event and purely para sa katuwaan (Ha??) and libre lang ngani 😅, wala po tayo timing chips. We require po ang sports watch to track your distance. And at the same time, may tatantusan po tayo kung pang ilang loop na natin para 2 yung basis natin for checking. Honesty is the best policy! 😅
8. May charging stations po tayo for phones and watches.
9. May banchetto po sa area everyday, from 4 PM. Expect po na matao ang route and may mga sasakyan na nakapark sa sides until mga 10-11 PM. Dagdag challenge pa po ang amoy ng mga nag-iihaw na food stalls doon. 😅 We have our permit para sa event, pero open pa din sa public ang area kaya expect po na matao talaga.
10. Pagdating ng Sunday morning, matao na po ulit ang route sa mga runners/joggers/walkers doon. And may mga nagtitinda ulit sa harap ng City Hall sa umaga kaya medyo challenge po ulit ang pagtakbo.
11. May area po sa route na medyo madilim specially kapag madaling araw na patay na yung mga street lights, so please bring headlamps po.
12. We will provide hydration, ice and some foods po. And siyempre madami po nagsupport na teams and individuals kaya di po tayo magugutom. 😅
13. Please be reminded na wala din po tayong marshalls. (Ewan ko lang kung maligaw kayo? 😅) Pero we will make sure na safe po ang belongings nyo sa aid station.
14. Ienjoy lang po natin ang event. Ang purpose, makatakbo kasama ang mga baliw na katulad ninyo. 😅
See you later runners. And ngayon pa lang nagpapasalamat po kami sa pagpapaunlak ninyo sa aming hamon and sa mga teams and individuals na sumoporta po sa event na ito. 🩷💜🩷
Mabuhay ang running community!! 🩷💜🩷
- Kay and Mario