26/11/2025
May mga gabi na hindi mo alam kung pagod ka lang ba o bagsak na talaga. Yung bigat na parang hindi mo na kayang buhatin, yung lungkot na walang pangalan pero inuubos ka araw-araw. Minsan naiisip mo, bakit ganito? Bakit parang walang pahinga? Bakit parang ako na lang lagi ang lumalaban kahit halos wala na akong lakas?
At oo, may mga sandaling gusto no na lang sumuko. Yung tipong mapapagod ka na sa paghingi ng konting gaan, pero bigat pa rin ang dumarating.
Pero sa gitna ng mga gabi na akala mo katapusan na, may maliit na boses na nagsasabing, "Konti pa. Baka bukas, may konting liwanag." Hindi no alam kung saan nanggagaling yung lakas na iyon, pero nandyan siya. Tahimik. Matatag. Kahit ang puso mo hindi na.
Sig**o kailangan no lang marinig ulit na may dahilan kung bakit ka umaabot sa bawat umaga. Sig**o kailangan mo lang ma-remind na kahit hindi no makita ngayon, may parte pa rin ng mundo na naghihintay sayo.
Hindi mo sinasabing okay ka. Pero heto ka… humihinga pa rin. Umaasa pa rin. At kahit bagsak, pinipili pa ring mabuhay.
Baka hindi mo pa nakikita yung sagot ngayon, pero darating din yung araw na masasabi mo, "Buti na lang… hindi ako nag-give up.