Tambayan ng Iba’t Ibang Kwento

Tambayan ng Iba’t Ibang Kwento Teacher sa umaga, kwentista sa gabi. Hindi lang sa classroom may kwento! Tara sa tambayan kung saan ang tawa at chika ay may lesson din minsan.

Salamat sa pagbisita sa tambayan.

🤝 Open for Collaboration
✨ Promoting brands with authenticity

30/07/2025

"Ang pagiging pagod ay hindi kahinaan. Patunay ito na matagal ka nang lumalaban."

Hindi man natin laging sinasabi, pero totoo na nakakapagod.
Nakakapagod ang magpakatatag araw-araw kahit hindi ka na okay.

Pero kahit ganon.
Pinipili mo pa ring bumangon.
Pinipili mong magtrabaho, magsikap, at magbigay ng respeto sa pangarap mo.

Kaya kung mabigat ang araw na ito, pwede kang magpahinga.
Huminga. Umidlip. Manahimik sandali.
Pero sana tandaan mo:
Hindi ka lang nagtatrabaho para mabuhay.
Nagtatrabaho ka para sa mga mahal mo, sa kinabukasan mo, at sa paniniwala mong may patutunguhan lahat ng ito.

Kaya kapit lang.
Pagod ka, oo.
Pero hindi pa tapos ang kwento mo.




29/07/2025

“Nakakapagod, pero hindi ako susuko.”

May mga araw talagang parang walang progress.
Ginagawa mo na lahat, pero parang kulang pa rin.
Minsan gusto mo na lang huminto, kasi nakakasuya na yung paulit-ulit na hirap.
Pero hindi.

Kasi kahit pagod, may dahilan ka kung bakit ka nagsimula.
At kahit madalas hindi mo makita yung resulta, may ginagawa pa rin ang Diyos sa likod ng eksena.

So kung pagod ka na, pahinga lang.
Pero huwag na huwag mong pipiliing sumuko.
Baka bukas na yung tagumpay na hinihintay mo. ✨

26/07/2025

"Tahimik Pero May Silbi"

Sa isang maliit na grupo ng magkakamag-anak, may isang taong kilala sa pagiging maingay hindi dahil sa saya, kundi dahil sa hilig manghusga.

“Ang tatamad ng mga pamangkin ko ngayon,” sabi niya sa umpukan. “Ako nga kahit pagod, nakakagawa pa rin ng maraming bagay.”

Tahimik lang ang iba. Tahimik lang kami. Hindi dahil totoo ang sinabi niya, kundi dahil alam namin na sa lahat ng naroon siya ang pinakamadalas ang pinapairal ay ingay habang ang iba’y abala sa iba't ibang bagay.

May mga taong masyadong abala sa pagtingin sa kilos ng iba, pero nakakalimutang tanungin ang sarili: “Ano nga ba ang naitulong ko?”

Hindi sa lahat ng oras dapat patulan ang panghuhusga. Minsan, mas marangal ang pananahimik lalo na kung mas marami kang nagagawa kaysa sa nagsasalita.

Sa pagiging g**o, natutunan kong hindi lahat ng maingay ay tama at t hindi lahat ng tahimik ay tamad. May mga taong pipiliing hindi magsalita para iwas gulo, pero sa likod ng katahimikan nila may tunay na sipag, malasakit, at tiyaga.

Kaya kung may kilala kang ganyan tahimik lang pero totoo ang kilos, pahalagahan mo sila.
At kung ikaw ang laging nanghuhusga, baka oras na para tumingin sa salamin at hindi sa paligid ng iba.

26/07/2025

Hindi lahat ng tahimik, tamad. Minsan kasi, yung totoong tamad, sila pa yung may lakas mag-ingay. 😉

21/07/2025

🌪️🙏 A Prayer for Protection During the Typhoon 🙏🌧️

Heavenly Father,
We lift our hearts to You as the winds blow and the rains fall.
Protect our homes, our loved ones, and our communities.
Calm every storm, both outside and within.
Grant strength to the responders, wisdom to our leaders,
and peace to every anxious heart tonight.

Keep us safe in Your loving hands, Lord.
Amen. 😇❤️

Please stay indoors and keep updated through official announcements.
We’re praying for everyone affected. 💙




Walang pasok bukas kaya may oras akong mag-overthink buong gabi. Hindi makatulog e, haha!
20/07/2025

Walang pasok bukas kaya may oras akong mag-overthink buong gabi. Hindi makatulog e, haha!

17/07/2025

Sa bawat tinta na nauubos, may pangarap na unti-unting nabubuo.
Para sa mga g**o - hindi lang kayo nagtuturo, kayo ang ilaw at haligi ng silid-aralan ng bawat batang nangangarap.
Para sa mga mag-aaral - ang pagod mo sa pag-aaral ngayon ay puhunan mo sa tagumpay patungo sa magandang kinabukasan.

Kapit lang at tiwala lang, lahat ay magtatagumpay.

Address

Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tambayan ng Iba’t Ibang Kwento posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share